Ispesyal sana ang araw na ito para sa amin, para sa akin. Pero anumang gawin ko ay tila hindi ko ito kayang gawing makabuluhang araw. May mga bagay na sadyang hindi kayang pairalin nang mag-isa lamang.
Tama nga sila. Ang isang pagkakamali ay di kayang itama ng isa pang pagkakamali. Gaya ng sinasabi ng ilang mga kaibigan, mali nga siguro ang naging desiyon ko noon. Padalos-dalos daw ako. Hindi nag-iisip. Siguro nga. Pero higit pa roon, mas pangunahing salik sa tingin ko ay yung pagiging mahina ko kung ang pag-uusapan ay emosyon. Ganunpaman, may isang magandang bagay naman ang nangyari dulot ng pagkakamaling iyon, kung pagkakamali nga iyong maituturing. Bagay na hindi ko pinagsisihang nangyari. Kaya lamang, dahil sa mga panibagong pagkakamali, tila nanganganib ding mabalewala ang magandang pangyayaring iyon. Bagay na sadya namang dumudurog ng aking puso. Bagay na sadya namang sa aki'y nagpapalugmok.
Sabi nga ni Aryan kagabi habang kami'y nag-iinuman sa bahay, tanggapin ko na raw na sadyang wala na akong magagawa pa. Maraming beses ko na rin namang narinig ang mga kahalintulad na payo pero ewan ko ba at hindi pa rin ako makausad. Madami akong sinisisi at ginagawang dahilan pero matalas na tinukoy ni Aryan kung ano talaga ang problema. Ako. Natigilan ako sa sinabi nya. Totoo nga yata.
Ako nga ang problema. Hindi ko na dapat ipilit ang isang bagay na ako lang naman ang may gusto. Kaya kahit na sa kabila ng lahat ng nangyari ay gusto ko pa ring maging ispesyal sana ang araw na ito, titigilan ko na ang walang kwentang pag-iilusyon. Palalayain ko na ang aking sarili sa masalimuot na nakaraan. Nawa'y ito nga ang syang tama atdapat kong gawin.
Nahihirapan man ako sa ngayon, alam kong lilipas din ito.
Friday, April 28, 2006
Saturday, April 01, 2006
Bagong Apolonio
Ngayon ang simula ng 2nd quarter ng taong 2006. Ang bilis talaga ng panahon. Ilang buwan na lang mula ngyaon ay 30 years old na ako. Sa loob ng 30 taon, parang wala pa akong masabing accomplishments. This is not good, I know. Kailangang sulitin ko ang natitirang 3 buwan bago ako maging ganap na 30 years old. Tatlong buwan. hehe! Ano naman kaya ang magagawa ko sa maikling panahong ito?
Hindi na maganda ang nangyayari sa aking career, kugn career nga itong matatawag. Marami akong magandang dahilan kung bakit nagkaganito ako pero niloloko ko lang ang sarili ko kung paniniwalaan ko ito. Ang daming oportunidad pero pinalalampas ko. Ewan ko ba. Tamad kasi ako at walang gana kumilos. Wala sa focus. Dapat mabago ko ito.
Parang wala akong malinaw na direksyon ngayon. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kaya kadalasn yugn mga di dapat ang sya kong nagagawa. Kulang ako sa disiplina.
Simula ngayong araw na ito, dapat isang bagong Apolonio na ako. Sana'y hindi pa huli ang lahat.

Tuesday, March 28, 2006
Giving up...
Mabigat pala talaga ang responsoblidad ng isang ama. Malapit ko nang isipin na isa akong malaking kabiguan sa larangang ito. Kaunti na lang.
Subscribe to:
Posts (Atom)