Wednesday, December 31, 2003

May sakit si Sophia

Ilang oras na lang ay sasapit na ang bagong taon. Medyo malungkot kasi may sakit si Sophia. Kanina ay dinala namin sya sa doktor nya kasi kahapon pa sya mag lagnat at medyo naging madalas ang kanyang pagdumi. Bumaba tuloy ang kanyang timbang. :(

Dahil sa hindi kami nakauwi sa Batangas, kaming tatlo- si Sophia, ako at ang aking asawa ay dito na sa Para├▒aque magdadaos ng bagong taon. Medyo mahirap kasi nagbakasyon ang yaya ni Sophia. Sa kabilang banda, nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko na ang buhay may pamilya!

Katutulog lang ni Sophia, ako ang nagbabantay sa kanya ngayon. Ang mommy nya naman ay nasa supermarket pa hanggang ngayon. Dapat ay kanina pa sya nandito eh. Di ko naman matawagan kasi naubusan ako ng load. Nag text ako gamit ang free services ng Chikka, pero mukhang di naman nakakarating agad ang aking mga texts. Haaayyy... Makapagbasa nga muna ng balita...

No comments:

Post a Comment