Sunday, June 12, 2005

Impeach GMA?

Hindi tulad noong nakaraang Edsa Dos, hindi ko makumbinsi ang sarili kong sumama sa mga panawagang pagpapatalsik kay Gloria. Hindi dahil sa naniniwa ako sa kanya kundi mukhang wala rin naman itong patutunguhan. Nagmuni-muni ako tungkol sa mga kaganapang ito-

1. Mukha namang sila-sila din ang mag-aagawan sa pwesto. Oposisyon ngayon, administrasyon bukas. May susulpot na bagong oposisyon na siya namng babatikos sa bagong administrasyon. Nasa gitna ng mga pangyayaring ito ang mamamayan, nagbabakasakali.

2. Ok, mapapatalsik si Gloria. Sino ang papalit, si Noli Boy? naman!

3. Pero mukhang hindi naman talaga sya pauupuin kasi ang panawagan ng oposisyon ay SNAP ELECTION. Para ano? Sino lang ba ang may kakayanang kumandidato kundi yung may impluwensya at may pera. Comelec pa ring kontrolado ng mga nasa posisyon ang syang mamahala sa election? hehe! lokohan na yan.

4. Bagama't hindi pa naman talaga natitiyak na si GMA nga at si Garcillano iyong nasa Tape, kahapon lang ba tayo ipinanganak para maniwalang malinis ang eleksyon? Nakalulungkot man pero wala na akong tiwala sa bangkaroteng gobyerno ni Arroyo.

5. Pero kahit na sa tingin ko naman ay talagang nandaya si GMA, tinatamad pa rin akong sumama doon sa mga panawagang pagpapatalsik sa kanya lalo na kapag nakikita ko yung mga nasa kampo ni FPJ at Erap. Sabi nga sa amin sa Batangas ay: kaka-ani!

6. Nandaya man o hindi si GMA sa eleksyon, para sa akin ay wala naman talaga syang kwentang presidente (kahit na medyo natuwa ako sa ginawa nya kay Angelo Dela Cruz). Malinaw naman na bingi siya sa panawagan ng mga aping sektor ng ating Lipunan.

Eh anong dapat gawin?

Kanser, Kanser ang sakit ng bayan
Malalim, laganap na komplikasyon
Di lang band aid ang kinakailangan
Kundi isang totoong operasyon


Nakalimutan ko na yung pamagat ng kantang yan. Hindi ko rin tiyak yung eksaktong lyrics. Pero mukhang angkop yung kanta sa sitwasyon ngayon.

No comments:

Post a Comment