Eh ano ngayon?
Una muna, pareho sila ni Mikey Arroyo pag dating sa acting. Walang kailangang paliwanag dito. hehe!
Sabi ng mga legal experts, hindi naman pwdeng gawing ebidensya yung tape kasi nga inadmissible iyon sa korte. Kung gayon, malabong umusad yung impeachement case laban sa kanya. At isa pa, ang inamin lang naman nya ay boses nya iyon at hindi nya namang inamin ang pandaraya sa eleksyon (kung nandaya man sya na sa palagay ko ay nandaya naman talaga). Pero malinaw naman na mali ang ginawa nyang iyon (kaya nga humihingi sya ng tawad) at isang matinding dahilan iyon para mawalan ng tiwala sa kanya ang mga tao, kasama na ako.
Obyusli, inaakala nyang matatapos na ang isyu sa pamamagitan ng pag-amin. Pero mali sya doon kaya abangan na lang natin ang susunod nyang hakbang. Mukhang gagawin nya ang lahat para manatili sa pwesto.
Samantala, mukhang lalong lumalakas ang panawagang "GMA Resign!". Mas makakabuti nga bang magresign si GMA? Hmmm... maaaring mas magiging malala ang sitwasyon pero sa aking palagay ay wala na syang karapatang manatili pa sa pwesto.
Kung magre-resign sya, si Noli Boy ang magiging pangulo. Yun ay kung pahihintulutan ito ng mga nasa oposisyon. Snap election, transition council ang mungkahi nila. Obyusli, ayaw nila kay Noli. hehe! Oh well, naiintindihan ko sila and at the same time ay natatawa.
Gusto ko na sanang sumama sa mga kilos-protesta para pwersahin si GMA mag-resign pero nagdadalawang isip pa rin ako. Kasi nga mga kampo ni Erap at FPJ yung mga makakasama sa kalye at may iba silang interests. Kaya para sa akin ay wala akong basis of unity sa kanila. Minsan di ko na rin maintindihan ang desisyon ng mga natdems. Ayan, liberalismo ito in the making. Ay hindi pala, kasi hindi naman ako aktibong natdem. hehe! Di bale, this weekend, makikipagdiskurso ako sa mga kaibigan kong natdems.
Personally, ayaw kong maging pangulo si Noli. Pero dahil yun ang sinasabi ng konstitusyon, ok lang din naman yun (nakakalungkot at nakakatakot nga lang). Kung hindi nya matutugunan ang isyu ng mga mamamayan at hindi na makahintay para sa susunod na eleksyon, eh di patalsikin ulit. hehe! Paulit-ulit lamang itong mangyayari hanggang sa mapagtanto na ng mas maraming nilalang na hindi pagpapalit ng lider ang solusyon sa ating problema.
Hangga't umiiral ang kasalukuyang kaayusan - ang kapangyarihang pampulitika ay nasa kamay ng mga mapagsamantalang uri na nagpapanatili sa kasalakuyang kaayusan upang protektahan ang kanilang mga interests - patuloy nating mararanasan ang ganitong problema.
At habang nagkakagulo ang lahat sa garci tape, mukhang nakalimutan na yata yung Hacienda Lusita Massacre. hmmm....
No comments:
Post a Comment