Friday, July 01, 2005

Windang

Bertday nga pala ng Tatay ko noong June 29. Sayang, kung nabubuhay pa sana sya ngayon eh di sana nakabarek man lang kami. Malamang gin ang iinumin namin. hehe! Kaya lang yun nga, 9 yrs old pa lang ako nang syay pumanaw. Ke-bertday nya ang una nyang apo na si Kat-Kat, anak ng Ate ko. Hapi bertday sa inyojg dalawa!

May trangkaso si Ermat kaya umuwi ako sa Batangas kahapon. Tapos kaninang umaga ay lumuwas ulit ako pabalik ng Manila kasi may mga naiwan akong trabaho sa opisina. Hanggang ngayon ay medyo may lagnat pa rin sya kaya uuwi sana ako ulit ngayon. Pero nagdesisyon akong bukas na lang umuwi, nandoon naman kasi si Ate. Yun nga lang, may inaasikaso rin syang tatlong anak na mga pumapasok sa eskwela. Ang asawa nya naman ay sa ibang bansa nagtatrabaho. Ang utol ko namang bunso ay kaaalis lang noong linggo, nasa Europe siya ngayon, bertender sa barko. Ang mag-ina ko naman ay nasa Pangasinan. Ang hirap din pala minsan kapag kokonti kayong magkakapatid tapos hiwa-hiwalay na ng landas. Kaninang umaga bago ako umalis medyo ok na naman sya eh, pero yung nga nagtext si Ate na mataas na naman daw lagnat nya. Pero dahil mabait naman si Lord, sana pagalingin nya na agad si Ermat at di na kailangang ma-confine pa sa ospital.

Tapos medyo tambak trabaho sa opis. Nadelay na ng nadelay yugn bagong resto na bubuksan ng boss ko sa Makati. Bad trip tuloy si bossing. Magsisimula na magbayad ng upa, pero hindi pa nagsisimula yung operation.

Kaya ayun, windang ako ngayong week na ito at sa mga susunod pang mga araw.

Nga pala, kung bibigyan kayo ng pagkakataong mag-wish sa genie, hihilingin nyo ba na sana ay mag-resign na lang si GMA? Ako, hindi ko gagawin yun. Nandito yung tatlong wish ko kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataong mag wish sa genie. Eto yung topic ngayon sa blogkadahan.com. Ako na naman ang una, kasi may policy kami na una laging magpo-post ang mga kyut. Walang kokontra ha?

No comments:

Post a Comment