Ito ang bagong alaga ni Pia ngayon, si Monique. Bigay sa kanya ng Lola Emma nya na Tita ni Setsu. Dachshund daw ang breed ni Monique. Medyo mahaba ang katawan nya at maiigsi ang paa.
Lagi syang may kwento tungkol kay Monique. Tuwing pinupuntahan nya daw si Monique ay lagi syang tinatalon at para daw syang yinayakap. Madalas nga kapag kausap ko sya sa telepono ay laging bida sa mga kwneto nya. Tuwang-tuwa talaga si Pia sa bago nyang alaga.
Kahapon ay nandoon ako sa Pangasinan. Malapit na kasi ang pasukan sa school kaya ipinamili ko na sya ng mga gamit. Pag dating namin sa bahay mula sa mall ay agad nyang binisita si Monique. Pilit pa nga akong isinama para makita ko daw si Monique.
Bukod kay Monique, may love birds din si Pia na ang pangalan naman ay Jimboy at Anna. May hamster din sya kaya lang ay hindi nagtagal ang buhay.
Gusto nya rin daw ng parrot at monkey. Gudlak naman!
Wednesday, June 04, 2008
Pia's New Pet: Dachshund Dog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang cute naman! Animal lover talaga siya. Hindi ba't ang mga batang may mga pets daw ay masmabilis natututunan ang pagiging responsable?
ReplyDeleteAt ang alam ko rin, minsan kapag ang mga bata'y medyo loner at may personality problem, binibigyan sila ng mga alagang hayop para lumabas ang kanilang natural na pagiging maaruga, at sila'y mas nagiging palakaibigan.
Kitang-kita ko sa mukha ni Pia sa mga larawan na masayahin siyang bata. O diba, masayahin na siya, mas magiging masayahin pa siya lalo! Nakakatuwa naman. :D
wow, ang cute naman ng bagong pet ni pia!
ReplyDeleteang hamster madali talaga madead. meron akong alaga nyan dati. yung isa tumakas pa sa cage.
i love dogs!
ReplyDeletedropping by...
daschund! ang sosyal! dapat naka-hat and gloves si pia, parang yung mga ladies sa fifth avenue sa new york. hee.
ReplyDeleteToni, masayahin nga si Pia. At sobrang daldal. Pero minsan sinasaway nya yung love birds nya kasi daw maingay. hehe!
ReplyDeleteMari, dalawang bese ko na nga sya ibinili ng hamster. parehong maagang nadedo. hehe! Yung love birds nya naman, nakawala. Kaya ibinili ko ulit ng bago. :-)
Points of View, balik ka ulit ha. hehe!
Ging na Maganda, di naman sosyal. katunayan nga eh pang 5th avenue lang sya sa Caloocan at hindi nuyork. hehe! Sosyalista na lang sya! Sana.
Sobrang hilig pala ni Pia sa pets. Goodluck sa paghahanap ng monkey. Just a few hours ago, sabi ni Angela punta daw kami kay Baba (Yung may ari ng local grocery dito sa baba ng building. Bili daw kami ng... baby brother....grrrr
ReplyDeleteHehehe! Si Pia, hindi pa naman nagpapabili ng baby brother. :-)
ReplyDeleteMahilig ba mangagat ang Dachshund mo?
ReplyDeleteMichelle
When there are times in the day that your dog must entertain itself, tie your dog up outside or have it somewhere where it can not reach anything but its toys to chew on. Maybe give your dog a little chew treat, or even better, one he has to chew in to get some peanut butter or other food inside. Mental stimulation is key!
ReplyDeleteso interestingly cute
ReplyDelete