Matapos ang isang oras ay muli akong nagpatuloy sa paglalakbay. Sa pagkakatong ito ay aking hinanap-hanap ang bango ng mainit na kape. Napadpad ako sa isang lugar na sa aking gunita ay pamilyar. Pamilyar dahil ito ay nababalot ng tuwa at ligay; panghihinayang at pagsisi. O diyos ng kasaysayan, bakit kailangang ako'y dumaan pa sa isang maalong dagat? Subalit kung ito'y magdudulot ng walang hanggang kaligayahan, handa akong makipagsapalaran.
Thursday, July 31, 2003
Beer at Kape
Patuloy ang aking paglalakbay at sa dakong tabing dagat pansamantalang namahinga. Kapiling ang aking mahal aming pinagmasdan ang dagat na aming lalakbayin. Di pa tanaw ang dulo ng aming patutunguhan subali't animo'y may anong liwanag na siyang nagtuturo sa amin kung saan dapat kami dumaan. Isang tasang kape na mas maliit sa tasa ng Padis Point sa Antipolo ang akin munang ininom bago ko sinundan ng isang Sanmig Light. Hindi ba't ito'y patunay na namamayagpag ang kabalintunaan sa maraming bagay? Ilang saglit pa ay dumating ang mga sugo ni Ara at Christian, saglit ko silang kinausap at inalam ang kanilang pinanggalingan. May kung anong kirot ang aking naramdaman at muli ay aking tinanong ang diyos ng kasaysayan bakit kailangang may mga taong dumaan sa abang kalagayan.
Matapos ang isang oras ay muli akong nagpatuloy sa paglalakbay. Sa pagkakatong ito ay aking hinanap-hanap ang bango ng mainit na kape. Napadpad ako sa isang lugar na sa aking gunita ay pamilyar. Pamilyar dahil ito ay nababalot ng tuwa at ligay; panghihinayang at pagsisi. O diyos ng kasaysayan, bakit kailangang ako'y dumaan pa sa isang maalong dagat? Subalit kung ito'y magdudulot ng walang hanggang kaligayahan, handa akong makipagsapalaran.
Matapos ang isang oras ay muli akong nagpatuloy sa paglalakbay. Sa pagkakatong ito ay aking hinanap-hanap ang bango ng mainit na kape. Napadpad ako sa isang lugar na sa aking gunita ay pamilyar. Pamilyar dahil ito ay nababalot ng tuwa at ligay; panghihinayang at pagsisi. O diyos ng kasaysayan, bakit kailangang ako'y dumaan pa sa isang maalong dagat? Subalit kung ito'y magdudulot ng walang hanggang kaligayahan, handa akong makipagsapalaran.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment