Tuesday, August 12, 2003

Kailan kaya magugunaw ang mundo?

Hindi pa man ako nakakatuntong sa elementarya naririnig ko na ang usapan hinggil sa katapusan ng mundo. Natatandaan ko pa sabi nung isa kong kalaro, 1999 daw magkakaroon ng gera. Grabe ang takot ko noon. Lalo pang nadagdagan ang naririnig at nababasa ko tungkol sa katapusan ng mundo simula ng ako'y pumasok sa eskwela. Nariyan ang samu't saring kulto na nagdedeklara ng eksaktong petsa at oras ng katapusan ng mundo. Ang kaibahan, imbis na ako'y matakot, natatawa na lang ako.

Naranasan nyo na bang minsan ay halos hilingin nyo na sana ay katapusan na ng mundo? Na sana ay tumigil ang oras dahil ang isang minutong pag-usad nito ay katumbas ng isang araw na pangamba? Na gusto mong lumayo ng malayong malayo? Haaayyy....ang hirap mga kapatid!

It's a good thing that there is one thing that keeps me holding on. Meron kasing isang tala na tumatanglaw sa aking paglalakbay. Ganunpaman, unti-unti naman itong hinihigop ng haring araw. Pero habang aking natatanaw ang nasabing tala, patuloy akong maniniwala sa umagang hinihintay ni Arianna. Pero ano kaya kung sumama na lang ako kay Tano?


3 comments:

  1. hay kelan nga kaya magugunaw ang mundo

    ReplyDelete
  2. Hinulaan ng ANCIENT MAYANS na ang mundo ay magugunaw sa DECEMBER 21 2012.

    ReplyDelete
  3. Walang mkakapag sabi kung kelan magugunaw ang mundo kase wala pang patunay na magugunaw na tlga ang mundo.,

    ReplyDelete