Saturday, January 24, 2004

Alumni of the Sisters of Mary School, Inc.

Nakakatuwa yung nangyayari ngayon sa Alumni Association namin noong high school. Sa Sisters of Mary School (SMS) ako nagtapos. Isa itong paaralan na itinatag ni Fr. Al Schwartz, na kamakailan lamang ay ideneklarang Servant of God ng Simbahang Katoliko. Unang hakbang ito tungo sa proseso ng beatification at kung loloobin ng Diyos ay magiging Santo siya balang araw. Ang SMS ay nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga mahihirap na kabataan mula sa iba't-ibang probinsya. Ito ay pinapangasiwaan ng mga madre sa ilalim ng Sisters of Mary Congregation na itinatag din ni Fr. Al. Maiituring na isang himala ang pagsasakatuparan ng ganitong misyon dahil ang pondong ginagamit sa pagpapatakbo ng paaralan ay mula lamang sa mga donasyon ng iba't-ibang tao mula sa iba't ibang bansa. Kayo man ay maaari ring makatulong.

Bihira ang High School Alumni Association na kasing aktibo ng gaya sa amin. Tuwing ika-tatlong linggo ng bawat buwan ay nagkikita-kita kami sa Sta Mesa Campus upang doon ay sabay-sabay na magdasal at pagkatapos ay nagkakaroon kami ng activities para magkakilanlanan kaming mga graduates. Nakakatuwa kasi parami ng parami ang aking mga bagong kakilala, nagiging kaibigan at tumatawag ng kuya!. Malaking bagay din yung website namin na mahigit isang taon na ring online. Dito ay nagkakaroon ng interaksyon ang mga graduates nasaang paning man ng mundo. Nagkakaroon din kami ng mga fund raising projects upang nang sa ganon ay makatulong kami sa SMS. Sana ay maraming kabataan pa ang matulungan ng SMS. Salamat kay Fr. Al!

No comments:

Post a Comment