Naalala ko tuloy ang ginawa ng kawawang si Loren, na matiyak lang ang panalo ay nilunok ang prinsipyo. Pero iba naman ang sitwasyon ngayon ni VP. Wala naman siyang mapapala kung sasama siya kay FPJ. Pero sa palagay ko hindi nya gagawin yun, gayung alam naman ng lahat kung sino ang nasa likod ni FPJ.
Isa si VP sa mga hinahangaan ko. Lalo na sa paninindigan niya laban sa pakikialam ng mandarambong na Estados Unidos. Sana nga huwag syang lumipat sa kampo ni FPJ (read as erap). Mas masaya nga kung si Sen. Roco ang suportahan ni VP. Kahit paano halos laging pareho ang kanilang paninindigan sa mga isyung may kinalaman sa kapakanan ng bansa. Wish ko lang.
Ano kayang cabinet position ang naghihintay kay Tito Sotto pag nanalo si FPJ? Ewan ko, pero sa totoo lang mas napapatawa nya ako ngayon kesa nung lumalabas pa sya sa pelikula. Lalo na nung panahon ng impeachment trial laban kay Erap. Kaya nga tuwing napapanood ko sya sa TV habang ini-interview ay lagi kong inaabangan yung punch line nya. Seryoso naman sya sumagot kaya lang ewan ko ba ba't natatawa pa rin ako. Pano kaya kung sya ang gawing DFA Secretary. Hmmm... masaya 'to!
No comments:
Post a Comment