Thursday, January 29, 2004

Naiinis ako!

"Mabuti pa ang magmahal sa bundok kaysa sa tao. Ang bundok, kapag minahal mo, mamahalin ka rin. Poprotektahan ka sa baha at pagguho ng lupa. Samantalang ang tao kapag minahal mo, hindi ka siguradong mamahalin ka rin."

Iyan yung sagot ni Leo kay Ara nang tanungin sya kung bakit bundok ang kanyang iginuguhit samantalang tao naman ang paborito nyang obra. May punto naman si Leo, kaya lang naisip ko hindi unconditional love yung tinutukoy ni Leo na pagmamahal. Pero sa totoo lang mahirap naman talaga yung sitwasyon nya kasi hanggang ngayon ay si Christian pa rin naman talaga ang itinitibok ng puso ni Ara. Hmmm... hindi nyo ito masusundan kung hindi nyo napapanood yung "Sana'y Wala ng Wakas" sa Channel 2 tuwing gabi. Hindi ko naman talaga sya sinusubaybayn gabi-gabi pero kapag medyo maaga ago nakakarating ng bahay galing opisina ay naaabutan ko pa at madali kng nasusundan ang kwento.

Sana ang buhay ng tao ay kasing dali lang ng kwento sa telenovela. Nakatitiyak ka na kung ano ang mangyayari kasi nga scripted. Naiinis kasi ako. Bakit kasi may mga taong ang kitid kitid ng pangunawa. Bumababa ka na para lang maiwasan ang mga di pagkakaunawaan, ang gusto naman ay tapakan ka pa. Perp dahil nga sa gusto mong maging maayos, papayag ka na lang. Yun nga lang minsan ay di ka rin nakakatiis at ipapamukha sa kanya na hindi tama ang ginagawa nya. Eh dahil nga makitid ang pang unawa, magagalilt sya sayo. Susumbatan ka pa ng kung anu-ano. Pero dahil nga sa gusto mo maging maayos ang sisitwasyon, pababayaan mo na lang. Ewan ko ba. Kung sana ay isang telenovela lamang ito na kahit anong oras ay pwede mo palitan yung script ng buhay ng tao, ang dali sana. Kaya lang komplikado ang buhay ng tao.

Sakto namang pinalabas kagabi sa Movie Magic yung Pay it forward. Ilang beses ko ng napanood yung pelikula pero pinanood ko ulit. Nakakatuwa kasi yung konsepto ni Trevor (Haley Joel Osment) kung paano babaguhin ang mundong punong puno ng gulo. Parang style ng Multi-Level Marketing. Subukan ko kaya itong simulan? Hmmm... huwag na nga lang. Nakakawalang gana kasi pag naiisip ko yung mga taong ang kitid ng pag-iisip.


No comments:

Post a Comment