Nasa final stage na ang kanyang applilcation, pinapagbayad na siya ng Right to Permanent Residence Fee at may medical instruction na rin sya. Nagdadalawang isip siya kung itutuloy pa niya ang kanyang application dahil nagkaroon ng magandang trabaho ang kanyang asawa bilang piloto sa Cebu Pacific. May isa silang anak at maayos naman ang kanilang katayuan sa ngayon.
Siyempre, ipinaliwanag ko yung mga benefits kung sakaling magiging immigrant sya sa Canada. Sabi naman nya ay maayos naman ang buhay nila dito at may malaking oportunidad ang kanyang asawa sa kanyang kasalukuyang trabaho. Kaya sabi ko na lang sa kanya, alamin nila kung ano talaga ang kanilang priority. Pag-usapan nilang mag-asawa. Sabi ko pa, isa-alang-alang din nila na dito ay maaaring mamuno ang bangungot ng bayan. Natawa na lang siyang bigla. Marami nga raw siyang kilala na umalis na ng bansa dahil dito. Pag-iisipan nya raw ng maiigi kung itutuloy pa nya.
Minsan naiisip ko rin ang subukan ang kapalaran sa ibang bansa. Pero saan ko man tingnan ay masaya ang buhay dito sa Pinas. Mahirap kumita ng pera pero lagi namang nakakagawa ng paraan. Kahit paano naman ay nakakainom pa rin ako ng sanmiglayt at nakakatambay sa paborito kong bar paminsan-minsan pagkagaling sa opisina. Paminsan-minsan din ay nakakasama ako sa mountain climbing kasama ang mga taga ASMSI. (Sa July naka schedule kaming umakyat sa Famy, Laguna) Ang babaw ko no? hehehe!
Oo nga at batbat ng krisis ang lipunang Pilipino at maaaring hindi kanais-nais ang manirahan dito sa ngayon. Pero ano nga ba ang dapat gawin sa sitwasyong ganito? Ang lisanin ang bayang Pinas at manirahan na sa ibang bansa? Minsan kasi ang tingin ko dito ay pagtakas sa problema. Pero hindi rin naman sila masisisi kung mismong ang gobyerno ang nagmimistulang bugaw na nagtutulak sa kanila palabas.
Ang paglabas ng bansa ng maraming Pin@y ay palatandaan lamang ng malalim na problema ng ating lipunan. At kung ang ugat ng lahat ng problemeng ito ay hindi malulunasan, ano nga kayang lipunan ang naghihintay kay Pia ko?
No comments:
Post a Comment