Mukhang nakahanap na ng kakampi si Norberto Gonzales at ang AFP para bigyang katwiran ang pandarahas sa Bayan Muna at mga kaalyado nito. Tsk! Ilan pa kaya ang mamamatay o mawawalang kasapi ng mga grupong ito bago matapos ang eleksyon?
Kagabi napanood ko yung dokumentary film tungkol sa apat na kabataaang kasapi ng Anak ng Bayan na pintay sa Compostela Valley ng mga hinihinalang ahente ng Military Intelligence Group noong September 2003. Nakakagigil talaga! Parang hindi tao yung gumawa ng krimen na ito.
At hanggang ngayon ay patuloy parin ang harrasment. Dagdag pa sa ulat na ito, may dalawang kasapi ng Anak ng Bayan sa Quezon Province ang nawawala noong linggo pa. Hinihinalang dinukot din ng mga militar.
Hindi malayong manguna ulit na Party List ang Bayan Muna ngayong 2004 Eleksyon, ano kaya ang magiging paliwanag ni Mr. Rocamora dito? Hmmmm....
Sa palagay ko lang naman, kung hindi naniniwala ang maraming mamamayan sa programa ng Bayan Muna ay hindi ito mananalo sa eleksyon. Hindi mapipigilan ng mga intriga at pandarahas ang pagnanais ng mga aping sektor na maisulong ang kanilang interes - ang magkaroon ng sariling lupa, maayos na tirahan, karapatan sa edukasyon (hindi pribelehiyo lamang), makatarungang pasahod at tunay na kalayaan at demokrasya. Sa madaling salita: BAYAN MUNA!
No comments:
Post a Comment