Saturday, May 08, 2004

Ang aking balota

Tapos na ang aking pagmumuni-muni. Si Roco pa rin ang aking presidente, lalo na ng mabasa ko ang komentaryo ng isang bisita sa sassy lawyer's journal. Kaya't narito ang aking mga iboboto sa pagkapangulo hanggang gobernador:

President: RAUL ROCO
Vice President: HERMIE AQUINO

Senators:
FRANK CHAVEZ
CARLOS PADILLA
NENE PIMENTEL
HEHERSON ALVAREZ
BATAS MAURICIO
PIA CAYETANO
PERFECTO YASAY

Party List:
BAYAN MUNA

Governor (Batangas): APACIBLE

Sa pagkagobernador ng Batangas, halos wala rin namang mapapagpilian. Si Nani Perez na kabi-kabila ang kinasasangkutang katiwalian? Si Armand Sanchez, na sinasabing Jueteng Lord sa Batangas? At si Apacible na gusto yatang magtayo ng political dynasty sa Nasugbu. Si Apacible ang napili ko dahil lumalabas na siya ang medyo matino.

Sa pagkasenador naman, hindi ko naman iboboto ang lahat ng iniendorso ng BAYAN MUNA at ng mga kaalyado nitong party list. At narito ang mga listahan ko ng mga hindi dapat iboto:

MADRIGAL, J. - sumusulpot lang pag eleksyon, walang karanasan.
ESTRADA, J. - may dahilan ba para iboto ito?
LAPID, L. - hindi sa dahil artista sya, pero di ko maimagine gagawin nya sa senado
TATAD, K. - nakalimutan ko ito isama, buti na lang pinaalala ni boondockqueen
SANTIAGO, M. - guard! may nanggugulo dito!

MACEDA, E. - one of the erap boys.
OSMEÑA, J. - hindi dahil sa sinasabing bading, pero balato king ito eh. one of the erap boys
REVILLA, B. - ganundin, hindi dahil sa artista. may kaibahan ka kaya sa erpat mo?
ENRILE, J. - oo, magaling sa debate pero hindi naman yun ang kailangan. one of the erap boys din

May idadagdag pa ba kayo sa listahan?

No comments:

Post a Comment