At dahil nga sa hindi ako makapaniwala sa pagpasok ni Jamby sa magic 12, nagtanong-tanong ako sa mga nakasabay ko kanina sa pananghalian: Ibinoto nyo ba si Jamby? Bakit? Sa tatlong napagtanungan ko, dalawa yung bumoto kay Jamby. Lalo akong nagulat. Yung isa ay dahil malayong kamag-anak daw nila at yung isa naman ay dahil naaawa na daw siya kay Jamby, dahil lagi na lang talo. Curious daw siya bakit gustong-gusto nya maging senador.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang sumagot yung pangatlong tinanong ko. Hindi raw sya nakaboto, pero kung sakali mang nakaboto ay hindi raw kasama si Juday, este Jamby. Ano naman daw ang dahilan at iboboto nya si Jamby?
Oo nga, bakit nga ba dapat iboto si Jamby? Doon sa lugar namin sa Batangas, kasama sya sa sample ballot ng oposisyon at administrasyon. Ibig sabihin ay dinadala din sya ng mga kandidato sa mga lokol na posisyon. Ang husay (ni Juday?)!
Bukod sa pera, ano nga bang meron kay Jamby?
No comments:
Post a Comment