Friday, October 01, 2004

Ang dakila kong Inay

Birthday ngayon ng Inay. Nandon siya ngayon sa Batangas, balak ko sanang umuwi kaya lang dami talagang trabaho na di ko maiwanan.

Sabi nila Mama's Boy daw ako. Pano kayang di magkakaganon ay 9 na taong gulang pa lang ako ng kunin ni Lord ang Tatay ko. Pero talagang belib talaga ako sa Inay. Labing siyam na taon na ang nakakaraan, pakiramdam ko ay katapusan na ng mundo para sa amin. Sa murang edad ko noon ay iniisip ko na kung papaano kami makakaraos, matapos pumanaw ang Tatay: Walang ipon, walang sariling bahay at walang trabaho ang Inay. Grade 6 pa lang ang Ate ko, ako naman ay Grade 3 at yung bunso namin 5 taong gulang pa lang. Grabe yung mga pinagdaanan naming lahat bago kami mga nakatapos sa college. Minsan nga pag nagakakakwnetuhan kami ng Inay, sinasabi ko sa kanya na yung kwento ng buhay namin ay pang Maala-ala mo kaya. Magkakatawanan na lang kami.

Kaya naman wala akong hinangad kundi mabigyang kasiyahan ang Inay. Matagal ko nang planong ipasyal ang Inay na tipong out of town vacation o di kaya ay kahit 3 days man lang sa Hong Kong. Pero bigo pa rin ako ngayong taong ito. Sana talaga next year ay magawa ko na yun. Hanggang blog entry na lang muna ako ngayon. hehe!

Happy Birtday Inay!

No comments:

Post a Comment