Ako, Lagi na Lang Ako
ni Elektrokyut ng Anakpawis
(with apologies to the kid in the TV ad)
Gastos sa:
Generation charge...ako
Transmission charge...ako
Systems loss charge...ako
Kuryenteng ninakaw...ako
Kuryenteng di naman nila nilikha...ako
Kuryenteng di ko naman ginamit...ako
Kuryenteng di nasukat dahil sira pala ang metro...ako
Kuryenteng ginamit ng Meralco sa mga opisina nito...ako
Gastos sa:
Distribution charge...ako
Supply charge...ako
Retail customer charge...ako
Metering charge...ako
Discount para sa da poor lifeliners...ako
Discount ko, binawasan pa nga ako
Overcharging ng Meralco...ako
Gastos sa:
CERA dahil sa pagtaas-pagbaba ng dolyar...ako
Local franchise tax...ako
National franchise tax...ako
Noon nga pati income tax...ako
Buti na lang nagreklamo at nanalo ako
GRAM sa pabago-bagong gastos sa paglikha ng kuryente...ako
Pakuryente sa mga liblib na pook, alyas missionary charge...ako
Pag-alaga sa kalikasan, alyas Environmental charge...ako
Gastos sa:
12% Return on Rate Base o Kita ng Meralco....ako
8% Return on Rate Base o Kita ng NPC...ako
P24 Bilyon kita ng Mirant noong 2002...ako
P4.6 Bilyon kita ng Lopez' First Gas Power noong 2002...ako
Bilyon-bilyong kita ng iba pang IPPs at power utilities...ako
Milyon-milyong suweldo ng mga executives ng mga ito...ako
May mga darating pang gastos sa:
TRAM na pabago-bagong gastos sa pagdeliver ng kuryente...ako pa rin
kahit na alam kong tinaTRAMtado na nila ako
Bilyon-bilyong stranded debts ng NPC...ako pa rin
Bilyon-bilyong stranded contract costs ng NPC...ako pa rin
Equalization taxes and royalties...ako pa rin
Ako, lagi na lang ako.
Lahat din lang naman ang gumagastos ay ako
I-takeover ko na lang kaya ang NPC, Mirant, mga IPPs at Meralco.
Pagkatapos ako ang magiging may-ari....si Juan/Juana de la Cruz, ako!
Via QC Indymedia
No comments:
Post a Comment