Yun nga, so dumating ako sa batangas mga 8:00 am na. Sakto namang nagluluto ng sinangag ang Inay. Kumain ako at pagkatapos ng konti ay natulog. Nagising ako mga 4:00 pm na. Kumain ulit ako at nanood ng TV. Hinintay ko muna yung F (palabas sa Studio 23) bago matulog. Ipi-feature daw kasi don yung Picolla Italia Restaurant na pagmamay-ari ng isa kong bossing na British. Ang daming nakain ni Amanda Griffin. hehe! Halos lahat yata ng menu ay tinikman. Wala pa ring koneksyon dito yung transport Strike.
Tapos yun nga, maaga akong gumising kanina kasi marami akong gagawin sa opis. Nahirapan akong sumakay ng jeep papuntang Lipa. Sumama pala sa strike yung trsnasport group sa lugar namin. Pero hindi naman ako nainis sa sitwasyon. Natutuwa nga ako eh. Kasi pers taym yatang nangyari ito sa lugar namin - na sumama sila sa mga ganitong pagkilos. Ang ibig sabihin lamang nito ay umuunlad na ang pangpulitikang kamulatan ng mga kanayon ko. Yahoooo! Pero yun nga lang, hinid tulad ng mga choke point sa Manila na may mga bandilang pula at mga placards na naglalaman ng mga panawagan, wala akong nakitang ganito sa amin. Sa tingin ko mas tagumpay itong pagkilos ng mga transaport group ngayon kesa noong nakaraang lunes.
Ibasura ang oil deregulation law!
No comments:
Post a Comment