Monday, April 25, 2005

Piling-Piling awitin ng aking buhay

Narinig nyo na ba yung kantang Nasa Atin ang Panahon ni Noel Cabangon? Kasama sya doon sa The Best of Buklod album ng dating grupo nya. Isa ito sa mga paborito kong kanta na hindi ko pinagsasawaang pakinggan. Maganda kasi ang mensahe nito at nakakarelaks pakinggan-
...Halina't likhain, itayo ang bukas
Para sa ating mga anak
Ipaghanda sila ng daigdig na sagana
Nasa atin ang panahon...

Sana isa man lang sa inyo ay narinig na ang kantang ito. hehe! Pero hindi naman nakakapagtaka kung hindi nyo pa ito naririnig. Yung kanta nya ngang Kanlungan ay medyo sumikat lang simula noong gamitin ng Mcdo sa isang TV ads nito. Ang nakakalungkot nga lang dito eh imbes na yung mensahe ng kanta ang ma-highlight tuwing maririnig ito, Mcdo ang unang maalala. Ilang taon ko na rin itong pinapatugtog sa opis bago pa gamitin ng Mcdo pero pinansin lang ito ng mga opismeyt ko noong marinig nga nila sa TV. Sabi pa nga ng ilang mga opismeyts ko, mga out of this world daw ang choice of music ko. hehe! Paano ba naman, ang mga pinapatugtog ko malimit ay mga kanta ng Inang Laya, Joey Ayala, Gary Granada at iba pa. May CD rin ako ng The Jerks ni Chikoy Pura na nawala na sa hiraman. Tambol at Kundi Man naman ang pinakagusto ko sa mga kanta ng The Jerks. Madalas kong mapanood ng live ang The Jerks sa mga rallies at tsaka doon sa Mayrics sa may Espana.

Ang mga ito ang ilan sa mga awitin ng aking buhay, na siyang topic namin ngayon sa blogkadahan.com. Narito ang aking entry.

No comments:

Post a Comment