Tuesday, July 05, 2005

After ousting GMA, what?

Nabasa ko kanina sa bloggingberks, ang tungkol sa bagong column na ang isanga ka-blogkada na si Sassy Lawyer sa Manila Standard. Ang pinoy blogging queen, columnist na! Congrats Sassy!

Gaya ng aking inaasahan, interesting yung unang topic nya sa column nya. Tungkol pa rin ito sa gloriagate scandal na tinatawag ding Malacanang Scandal. Nag-iwan sya ng tanong para sa mga nananawagan ng 'Gloria Resign'. Matapos mapatalsik o magresign si GMA, what's next?

Ok, dumarami na ang nananawagan ng pagbibitiw ni GMA. Pero may iba't-ibang mungkahi kung ano ang susunod na hakbang. May apat na posibleng mangyari matapos magbitiw o mapatalsik si GMA.

1. Succession batay sa Constitution.


Noong una, ito yung stand ko. Nakakalungkot man, sige na nga, si Noli Boy na ang papalit. Bakit ito ang naging stand ko noon? Kasi nga pakiramdam ko'y nagkakandarapa ang ilang opposition na makapwesto. Sila yung mga Erap/FPJ camp. Ayaw nilang paupuin si Noli. Bagay din kung bakit hindi ako sumasama pa sa mga rally na nanawagan ng resignation ni GMA. Ayaw kong magpagamit sa mga oportunista oposisyon.

Pero itinuturo ng kasaysayan, na hindi solusyon ang pagpapalit lang ng lider. Naka-ilang Edsa Revolution na tayo pero wala pa rin namang pagbabago - di pa rin natutugunan ang interest ng mamamayan. Kaya hindi na rin ito option para sa akin.

2. Military Junta


Hmm... ewan ko na lang kung sinong nasa matinong pag-iisip ang papabor dito. Ayaw ko nito.

3. Snap Election

Sabi ko nga, di solusyon ang pagpapalit lang ng lider. magkaroon man ng snap election, sila-sila pa rin naman ang mag-aagwan sa pwesto. Hangga't hindi nababago ang sistema na nagtotolerate ng corruption at pagsasamantala, kahit ilang eleksyon pa ang maganap, patuloy lang tayong malulugmok sa kahirapan.

4. Caretaker Government

Noong una, hindi ko pa tanggap ang ganitong panawagan. kasi nga iniisip kong baka maging bahagi din ng transitional council ang mga bulok na pulitiko. Pero habang lumilinaw sa akin ang konsepto, mas nagiging pabor ako dito.

Ang mungkahi nga ni Joma Ma. Sison ay magkaroon ng People's Democratic Council-

The Filipino people are desirous of revolutionary change and are open to the idea of a revolutionary coalition transition government to do away with the line of presidential succession in the 1987 constitution of the Manila government. It is possible and necessary for a broad united front of forces to oust Gloria M. Arroyo and her cohorts from power. The key forces now at work against the Arroyo regime are the mass organizations of the national democratic movement, certain opposition parties and certain groups of military and police officers. They can form a people's democratic council that can serve as the transition coalition government that calls for elections of executive and legislative officials as well as delegates to a constitutional convention six months after the ouster of the arroyo regime. The presidential form of government may be replaced by the parliamentary form. The constitutional convention should be entirely different from the scheme of Arroyo and [House Speaker Jose] De Venecia to change the constitution according to their selfish interest. People will like the people's democratic council and the parliamentary form of government if the representatives of workers, peasants, women, youth and national minorities will be adequately and properly represented. The role of the people's armed revolutionary movement will gain importance and strength in changing the entire ruling system of big compradors and landlords.



Hindi ito simpleng proseso, maaring bumagsak pa rin ito at mabalik sa dating bulok na sistema. Sino-sino ang bubuo ng transitional council? Paano masisiguro na interest ng mamamayan ang masusunod? Paano kung hindi suportahan ng militar ang council na ito at itulak nila ang military junta?

Nakakatakot, pero sa palagay ito na yung pinakamatalas na alternatiba sa kasalukuyan. Syempre, hindi pa rin naman ganap na malulutas nito ang ugat ng problema sa Pilipinas. Sabi nga ng mga kaibigan kong natdems, hangga't nananatiling mala-kolonyal at mala-pyudal ang lipunang Pilipino, magpapatuloy ang problema. Ganunpaman, malaking bagay na magkaroon ng representasyon ang mamamayan sa transitional council na bubuuin. Ang magsisiguro dito ay ang militansya ng mga kilusang masa.

Sasama na ako sa mga susunod na kilos-protesta.

Goodbye Gloria!

No comments:

Post a Comment