Sunday, July 10, 2005

Si Onin, si Pia at ang aking masakit na tiyan...

Bertday ko noong isang araw. Wala lang, parang isang ordinaryong araw lang. Pumasok ako sa opis pero hindi ako komportable dahil masama ang tiyan ko. Pero nakakatuwa kasi nakausap ko si Pia sa celfon. sabi nya: "Dadi, hapi berday.". Bertday nya sa July 29 (2nd bertday) kaya tinanong ko sya kung ano gusto nya for her bertday. Sabi nya, "I want balloons... I want barney". Ang alam ko kasi kumpleto na sya nung Barney DVD kaya tinanong ko si misis kung ano yung barney na gusto ni Pia. Yung malaking staff toy daw na nakita nila sa mall. Hmmm.... magkano kaya yun? hehe!

Hanggang ngayon medyo masama pa rin anmg tiyan kopero tolerable naman. Hindi katulad noong July 8, talagang hindi ako nakapasok sa opis. Hindi ako umiinom ng kahit na anong gamot, tinitingnan ko kung gagaling sya ng kusa. hehe!

***

Ayun nga, hindi ako nakapasok noong July 8. Nasa Batanggas ako ng araw na iyon pero nagpasya akong lumuwas at pumunta sa opis. Pero habang nasa bus pa ako, nakatanggap ako ng text msg sa isang kaibigan. Punta daw kami sa Ayala, Day 1 na raw ng Ouster ni Gloria. Dahil medyo hapon na rin naman kung dadaan pa ako sa opis, nagpasya na lang akong dumiretso sa Ayala. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakasama sa mga rally.

Habang papalapit ako sa Ninoy Aquino Monument, palakas ng palakas ang naririnig kong tinig mula sa micropono. Hindi ako nagkamali, boses iyon ni Nino Mulach. Muntik na akong hindi tumuloy kasi ang sinisigaw ba naman ay "FPJ! FPJ! FPJ!".

Pero nang nandon na ako sa malapit sa stage, napansin kong sya lang naman ang sumisigaw ng FPJ na paulit-ulit. Para syang engot, hindi man lang ba nya nahahalata na walang pumapatol sa mga Chant nya. Maya-maya pa ay Erap naman ang kanyang isinisigaw at sinundaw ng Susan Roces. Nakakatawa talaga si itong si Nino. Mismong yung mga kasapi ng PMAP eh hindi man lang sumusonod sa mga chants nya kahit na halos mamalat na sya. Tanong ko tuloy sa mga kaibigan ko, wala bang ibang makuhang emcee at nagtatyaga kay Onin? hehe! Buti na lang talaga at di nagtagal ay umakyat na rin Tinay ng Gabriela. Medyo nagkabuhay ang program.

Napag-alaman ko na biglaan pala yung desiyon na magtipon-tipon sa Ayala. Wala iyon sa plano pero dahil siguro sa mga biglaang kaganapan - pagbibitiw ng 10 cabinet officials, pagsasalita ni Cory, Makati Business Club atbp na nanawagang magbitiw si GMA - dagliang nagpasya na magtipon-tipon sa Ayala. Marahil kung magandag bilang ang tumugon, wala na sigurong uwian iyon at simula na nga iyon ang tuloy-tuloy na protesta. Pero hindi kinaya kaya nagpasya ang mga organizers na tapusin na yung programa.

Hindi naman lahat ng artista ay tulad ni Onin na sabi nga ng kaibigan ko ay galing sa Row 4. Di hamak naman na mas matalas si Isko Moreno. Kung magreresign daw si GMA at si Noli ang papalit, sila-sila din lang daw ang magkikita-kita sa finals. Wala raw magiging pagbabago.

Sa mga huling kaganapang ito, palagay ko'y bilang na ang araw ni Gloria. Pero kung mangyari man ito, mukhang malabo pang maisulong yung transitional council. Malapit nang maging presidente si Noli Boy. At sa mga hakbang ni ginagawa ng mga reactioanry elite kasama ang mga nmegosyante, malinaw na maiiwan na naman ng interets ng karaniwang mamamayan.

Para sa akin ay ok lang din naman na si Noli ang pumalit. Yun ay kung bibitbitin nya ang panawagan ng mga karaniwang mamamayan gaya ng mga sumusunod-

* P125 across-the-board wage increase for workers and P3,000 salary hike for government employees; pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa gaya ng kaso ng Toyota Motor Philippines na hanggang ngayon ay hindi pa rin humaharap sa CBA

* Genuine Land Reform; katarungan para sa mga minasaker sa hacienda luisita atbpa.

* prioritization of education and vital social services in the national budget.

* national industrialization

Pero mas malamang na mas marinig nya ang boses ng mga Lopez at iba pang negosyante na nagtutulak para sya ang maluklok. Abangan ang susunod na kabanata.

Pero balik tayo kay Onin. Natawa talaga ako nang tinawag nya para magsalita si Mayor Binay. Maigsi lamang ang sinabi ni Mayor Binay na apparently ay hindi inaasahan ni Onin. Pagkatapos mamaalam ni Mayor Binay, dinig na dinig yung ibinubulong ni Onin:

Mayor, tapos na? Konti pa....

Tama na yun.

Konti pa sana para abot mamaya sa balita, LIVE!

Syempre nagtawanan na lang kami ng mga kaibigan ko. Sabi ko nga ay sayang at wala si Rez Cortez at Jinggoy. Mas masaya sana yun.

May malaking mobilisasyon sa July 13, malamang sumama ako. Wish ko lang huwag na sanang paakyatin ng stage si Onin.

No comments:

Post a Comment