Tuesday, November 08, 2005

Mt Romelo (Famy, Laguna)

Ngayon na lang ulit ako nakasama sa ASMSI Mountaineering Society. Huling akyat ko ay sa Mt. Makulot. Sinamantala namin ang mahabang bakasyon nitong nakaraang undas.


Sa Robinsons galleria pa lang, umpisa na ng kulitan. Pati nga si Manong Guard di rin nakatiis at nakikitawa na rin. At nang nakasakay na kami ng jeep, si Manong Driver naman ang nakikulit sa amin. Nakakahawa talaga ang kakulitan ng mga kasamahan ko sa ASMSI


At mas lalong naging matindi ang kulitan sa bus. Buti na nga lang at walang napikong pasahero. O baka meron din, kaya lang wala na ring nagawa. Ang dami kasi namin, 28 kami lahat.


Alas dos na ng umaga nang makarating kami sa jump off, madilim kaya kailangn ng flashlight. At dahil nga bumaha sa lugar dahil sa lakas ng ulan, maputik ang daan. Ilang beses din akong nadulas kaya pautikan na ako ng marating ang tuktok.


Sa sobrang enjoy, di na ako nakapagkontrol pa. Ang dami ko nainom at bandang huli'y medyo magulo na raw ako. haha! Di ko nga namalayang inihatid na pala ako sa tent at doo'y naglabas ng sama ng loob. eew!


Naging madali na ang pagbaba namin, kahit maputik pa rin. Malaking bagay na maliwanag na at kitang-kita na ang daan. Mababa na rin ang ilog na tinawid namin, di tulad noong papunta pa lang kami na bukod sa malakas ang agos ay medyo malalim. Kinailangan pa naming gumamit ng lubid para may guide.

Sayang nga lang at wala kaming pictures doon sa water falls. Ang linaw ng tubig kaya't masarap magtampisaw.

Anong napala ko sa pag-akyat? Pagod, gasgas, sakit ng katawan. Pero syempre, ang pagkakaibigang nabubuo sa ganitong mga activities. At higit sa lahat, pagpapahalaga sa inang kalikasan.

Next climb? Hindi pa tiyak kung saan. Sana matuloy kami sa paanan ng Taal Volcano.

No comments:

Post a Comment