Dear Pia,
Maligayang kaarawan!
Pasensya na nga pala at di ako nakapunta sa bithday party mo. Komplikado kasi ang sitwasyon kaya kahit gustong-gusto kong pumunta, nagkasya na lang akong kausapin ka na lang sa telepono at maghintay sa litratong ipapadala ng Tita Kath mo. Baka kasi magkaroon lang ng di magandang eksena kapag pumunta ako at tuloy masira pa ang party mo. Sa tamang panahon ay ipaliliwanag ko rin sayo kung bakit. Pasensya na ulit. Hindi ko alam kung ano sinabi sayo kung bakit wala ako. Pero hindi ko maiwasang mangamba. Natatandaan mo pa ba noong nasa ospital ka, paulit-ulit mong sinasabi sa akin na miss mo na ang Inay at gusto mo pumunta sa Batangas? Bumaba lang ako saglit para bumili ng gamit mo, iba na agad ang sinasabi mo pagbalik ko. “Daddy, ayaw ko punta sa Batangas”, siya mong salubong sa akin. Tinanong kita kung bakit at sinabi mong dahil ikinukulong ka sa dilim. Hindi ko talaga makalimutan ang isinagot mo nang tinanong kita kung sino nagsabi sayo. Alam kong bata ka pa para maging biktima ng ganitong pambabaluktot, pasensya na kung nalagay ka sa ganitong sitwasyon.
Ang bilis talaga ng panahon, tatlong taong gulang ka na ngayon. Sa susunod na taon ay mag-uumpisa ka nang pumasok sa eskwelahan. Excited na ako! Kahit nga mag-isa lang ako, napapatawa ako kapag naiisip ko kung gaano ka magiging kakulit sa school. Ngayon pa lang kasi eh ang kulit mo na. hehe!
Nakita ko yung picture mo na buhat-buhat ka ng 2 clowns. Ang saya-saya mo sa litrato. Masaya rin ako syempre. Pero bandang huli, naalala ko yung pag-uusap natin dalawang linggo bago ang iyong kaarawan. Tinanong kita kung ano ang gusto mo sa birthday mo. Sabi mo nga ay clowns, baloons at cake. Tinanong kita kung bakit gusto mo ng balloons. “kasi may baloons si Porky noong birthday nya”, ang sagot mo matapos ang matagal mong pag-iisip. Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sayo matapos mong isagot yun sa akin? At matapos yun ay hindi ba't sabi mo ay ayaw mo na ng clowns kasi mas mahalaga ang milk at mga damit mo?
Pero natuloy din pala. hehe! Gusto lang siguro ng mga taong nasa paligid mo na maging masaya ang selebrasyon ng kaarawan mo. Pero yun nga lang, mas malamang na ganito ang naisip nila dahil ito ang nakagawian na, bunga ng malakas na hatak ng komersyalismo. Gaya rin ng komersyalisasyon ng selebrasyon ng araw ng mga puso, pasko at iba pa. Paglaki mo pa ng konti at may pagkakataon tayo, magtatalakayan tayo tungkol dito.
Balik muna tayo doon sa balloons at clowns.
Anak, hindi naman masama kung gusto mo ng balloons at clowns. Pero hindi maganda ang dahilan mo kung bakit gusto mo ng mga ito. Inggit yan. Huwag ka sanang maghangad ng isang bagay ng dahil lamang sa ang iba ay mayroon nito, lalo pa nga at kung hindi mo naman talaga ito kailangan. Natatakot ako sa itinatakbo ng iyong pag-iisip. Sabagay, ano nga ba naman ang magagawa mo sa impluwensya ng mga nasa paligid mo, mga naririnig at napapanood sa TV. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil wala ako sa tabi mo para magabayan ka. Pasensya na ulit.
Hayaan mo anak, binabalanse ko lang ang sitwasyon, malapit na akong gumawa ng hakbang upang hindi na maging komplikado ang sitwasyon nating dalawa. Nagkamali man ako noon, umasa ka na ikaw ang una kong isasaalang-alang sa mga balak kong gawin.
Mahal na mahal kita.
Daddy Apol
Monday, July 31, 2006
Friday, July 21, 2006
Jim Paredes sa Blogkadahan
Tungkol sa SEX ang paksa namin ngayon sa blogkadahan.com. Gaya ng dati, magbibigay kami ng kontribusyon para dito - tula, kwento, karanasan at iba pa. Para sa paksang ito, guest writer namin si Jim Paredes ng Apo Hiking Society. Stairway to heaven ang pamagat ng kanyang enrty. Ngayon ko lang nalaman na ang orgasm pala sa French ay 'le petit mort' na ang literal na kahulugan ay 'a little death'. Ano kaya sa French ang namatay sa sarap? hehe!
Samantala, nakakita na ba kayo ng nagdadasal na mga paa? Madami nyan dito. Kung may footh fetish ka, panalo ka dyan. haha!
Samantala, nakakita na ba kayo ng nagdadasal na mga paa? Madami nyan dito. Kung may footh fetish ka, panalo ka dyan. haha!
Thursday, July 20, 2006
A Call for Unity and Sacrifice
May nagforward sa akin ng article ni Enteng na may pamagat na A Call for Unity and Sacrifice.
Ilang ulit ko binasa dahil pakiramdam ko ay nasa twilight zone ako. Ambelibabol talaga!
Kung ito'y hindi isang panunudya lamang, isa lang ang masasabi ko sa panawagang ito.
P-a-t-h-e-t-i-c.
Ilang ulit ko binasa dahil pakiramdam ko ay nasa twilight zone ako. Ambelibabol talaga!
I call on my colleagues in the anti-GMA movement to stand down and join the majority of our people who believe she cheated but have decided not to do anything about it. That is the most patriotic thing to do.[B&W Movement]
Kung ito'y hindi isang panunudya lamang, isa lang ang masasabi ko sa panawagang ito.
P-a-t-h-e-t-i-c.
Monday, July 17, 2006
Another weekened with Pia
Nagkita ulit kami ni Pia nitong weekend, isang linggo matapos sya lumabas ng ospital. Masigla na ulit sya at malakas na kumain. Siguro ay dahil doon sa heraclene. Sinimulan na ulit kasi syang bigyan ng heraclene.
At dahil bago ang aking phone na parang pencil case daw sabi ni chippy, sinubukan ko yung mga features nya. Naaliw ako. Halos bawat kilos ni Pia ay kinukunan ko ng video o kaya naman ay pictures. hehe!
Eto yung isa kong kuha habang hinahabol nya yung paru-paro.
Sarap talaga sa pakiramdam na makita syang masaya.

Monday, July 10, 2006
30 yrs old na ako!
Salamat po sa mga bumati sa akin noong biyernes, bertday ko at 30 yrs old na ako! whew! tanda ko na. haha!
Balak ko sanang idaos ang aking bertday kasama si Pia. Uuwi sana ako sa Pangasinan para ipasyal sya. Kaya lang, isinugod naman si Pia sa ospital noong miyerkules ng hapon, ang taas kasi ng lagnat at hindi nagkakakain. Acute toncilitis daw at may bronchitis din. Kaya ayun, napasugod ako sa Pangasinan ng mas maaga kaysa sa plano kong pagbisita doon sa bertday ko noong Biyernes. Pero ok na naman sya ngayon, lumabas na sya ng ospital noon pang Sabado ng umaga. Mabuti na lang at may maxicare si Pia kaya wala ako binayaran sa ospital.
Tuwang-tuwa ang mga nurse an nag-asikaso kay Pia. Ang daldal kasi at hindi man lang umiyak noong una syang kinabitan ng dextrose. Hindi rin hadlang ang dextrose na yun sa kanyang kakulitan. Kaya ayun, imbes na mamasyal sana kami ni Pia noong Biyernes ay nagkulitan, naglaro at nagkwentuhan na lang lami maghapon sa ospital.
At ngayon nga, 30 yrs old na ako. Ang tanong ngayon ay saan ako tutungo mula dito? Mayroon na akong 5-year plan mula ngayon. Pipilitin ko itong magawa. Goodluck sa akin!
Samantala, niregaluhan ko naman ang aking sarili ng bagong phone at koleksyon ng mga novela ni F. Sionil Jose (installment ko nga lang bibilhin, sinumulan ko sa PO-ON. hehe!) -
Balak ko sanang idaos ang aking bertday kasama si Pia. Uuwi sana ako sa Pangasinan para ipasyal sya. Kaya lang, isinugod naman si Pia sa ospital noong miyerkules ng hapon, ang taas kasi ng lagnat at hindi nagkakakain. Acute toncilitis daw at may bronchitis din. Kaya ayun, napasugod ako sa Pangasinan ng mas maaga kaysa sa plano kong pagbisita doon sa bertday ko noong Biyernes. Pero ok na naman sya ngayon, lumabas na sya ng ospital noon pang Sabado ng umaga. Mabuti na lang at may maxicare si Pia kaya wala ako binayaran sa ospital.
At ngayon nga, 30 yrs old na ako. Ang tanong ngayon ay saan ako tutungo mula dito? Mayroon na akong 5-year plan mula ngayon. Pipilitin ko itong magawa. Goodluck sa akin!
Samantala, niregaluhan ko naman ang aking sarili ng bagong phone at koleksyon ng mga novela ni F. Sionil Jose (installment ko nga lang bibilhin, sinumulan ko sa PO-ON. hehe!) -
Monday, July 03, 2006
Basura sa Mt. Makulot
Sumama ako sa mga nagpulot ng basura sa Mt. Makulot noong sabado. Grabe pala talaga ang naipong basura sa Mt. Makulot, lalo na sa may grotto. Tuwing mahal na araw kasi ay dinadagsa ito ng tao na may mga dala-dalang pagkain at iba pang kalat. Dagdag pa dito ay maraming umaakyat dito para magtinda ng pagkain. Ang nakakalungkot dito, hindi naman lahat ay nagkukusang ibaba ang kanilang mga basura.
Habang nagpupulot ako ng basura, naalala ko yung eksena namin ni Pia sa jeep. May isa kasing ale na pasimpleng itinapon ang balat ng candy sa kalsada.
"Daddy, bad sya" (Sabay turo nya sa ale)
"Ha? Bakit po" (kunwari di ko alam ibig nya sabihin)
"Ang basura dapat sa basurahan di ba Daddy?"
"Very good! Lagi mo tatandaan yun ha?"
"Opo Daddy"
Halos hindi makatingin sa amin yung ale. Kung pagong lang siguro yun, itinago nya na ulo nya. hehe! Walang pinagkaiba sa ale na yun ang mga umaakyat ng bundok na walang pakundangan sa pagtatapon ng basura. Nakakainis!
[Magpulot sa Makulot 2 pictures]
Subscribe to:
Posts (Atom)