Wednesday, July 30, 2003

Si Abegail Sophia

Isinilang kagabi si Abegail Sophia sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City dakong 7:49 ng gabi. 8:15 ng gabi ng una syang magwiwi. Tulad ng kanyang Lolo Pedro, meron syang sobrang daliri sa tabi ng kanyang hinlalaki sa kaliwang kamay. Bigla tuloy bumalik sa gunita ng kanyang Daddy ang ala-ala ng yumaong Tatay nito. Swerte daw yun sabi ng Lola Vacion ni Sophia! Gayundin ang sabi ng karamihang nakatanggap ng balita! Pero iniisip ng Daddy no Sophia na ito ay ipatanggal. Magkakasubukan sila ng swerte! hehehe!

Ang batang si Sophia ay ang una kong anak!

Kung kayo ang tatanungin, ipapatanggal nyo ba yung sobrang daliri?


No comments:

Post a Comment

Post a Comment