Saturday, May 22, 2004

Talent Search

Napanood ko kanina yung Star Circle Quest, yung bagong talent search program ng abs-cbn. Nakapag-blog na ako noon tungkol dito. Exploitation yung title. At dahil sa entry kong yun, nalaman ko na kapatid pala ni Ate Sienna si Moki. Teka lang, di tungkol kay Moki ang entry na ito.

Naiinis ako.

Naawa kasi ako kay Neri. Hindi sya nakasama sa Magic Circle of 5. 'Di hamak naman na mas magaling sya kumpara kay Sandara, kung talent din lang naman ang pag-uusapan. Nung dalawa na lang sila ni Sandara na pagpipilian kung sino yung matatanggal, hiningan sila ng huling salita. "Ang alam ko po kasi ay talent search itong sinalihan namin.", sabi ni Neri. Tila naramdaman nya na siya yung matatanggal.

Ewan ko ba. Bakit kaya ang daming texters na bumoto kay Sandara? Pinakamarami rin ang supporters sa audience. Ok, ok. Nakakatuwa naman talaga sya, kenkoy. Pero yun lang yun. Sabagay, tingin ko naman kasi ay negosyo lang ito para sa abs-cbn. Kung saan sila kikita,don sila.

No comments:

Post a Comment