Thursday, July 29, 2004

Isang taon na si Sophia...

Bertday nya ngayon, pero kaninang umaga ay dinala ko sya sa pedia nya dahil dalawang araw na syang may sipon, inuubo at pabalik balik ang lagnat.  At ayun nga, medyo may plema sya at may naririnig na di kanais-nais sa kanyang paghinga.  Hindi pa masabi ng Padia nya kung may hika nga o may primary complex.  Oobsebahan daw muna.  Matutuwa na naman ang mercury drug nito sa akin mamaya...

Payat si Pia at mababa ang kanyang timbang.  Sa edad nya dapat daw ay at least mga 10kg na sya, pero 7.1 kg lang sya nung tinimbang kanina.  Magana naman sya kumain, may vitamins at malakas naman uminom ng gatas.  Suspetsa ng pedia, baka raw may bulate.  Tinanong ako kung wala raw ba akong napapansin sa kanyang dumi. Sabi ko, di ko po kayo masagot dyan kasi hindi ako incharge dyan eh. hehe! Mag-isa ko lang kasing dinala si Pia sa clinic.  Tsaka na lang daw ipa eksamin ang kanyang dumi kapag nakarekober na sya sa ubo at sipon. pag nagkataon, purgahan ang kasunod nito...

Halos ngayon pa lang sya nag-uumpisang tubuan ng ngipin, medyo namamaga na yung gilagid nya. Medyo nag-uumpisa pa lang siyang lumakad ng walang hawak.  Naiiip na ako...

Pero ang nakakatuwa, ang bilis nyang makatanda ng mga bagay-bagay lalo na yung mga patalstas sa TV. Bat kaya ganun yung mga bata, kung kelang patalastas tsaka naman sila tutok na tutok sa TV? hehe.  Kilala nya na si Pooh, Tweety at Mickey. Alam nya na rin na walang maaashan sa susunod na nim na taon sa tambalang GMA at Noli.  Paborito nyang channel ang MYX, subukan mong ilipat at papalahaw ng iyak.  Minsan sumasabay sya sa kanta at marinig lang ang bulaklak ay itataas agad ang dalawang kamay at sasayaw na.  Nakakaaliw...

Mamaya ay may kaunti kaming salo-salo sa bahay at sa Lingo naman ay may birthday party sya sa Mcdo, labag man sa loob ko.  Dangan nga lang kasi at walang malapit na Jollibee dito sa amin na pedeng mag Kiddie Party.  Tsk!

Napublish na yung artik na sinubmit ko sa Peyups.com.  Una itong napublish sa Tinig.com.  Habang lumalaki si Pia, lumalaki rin ang aking pangamba

Ito naman ang blog entry ko noong ipanganak si Pia.  May polydactyly  si Pia na palagay ko ay namana nya sa Tatay ko.  Plano ko itong ipatanggal kung wala rin namang magiging komplikasyon yung operasyon.  Bago matapos ang Agosto ngayong taon, plano kong kumonsulta sa isang espesyalista sa Makati Med.  Pero marami talaga ang kontra sa balak kong ito.  Kaya ittatanong ko uli dito sa entry kong ito yung tanong ko noong isang taon: Kung kayo ang tatanungin, dapat ban ipatanggal yung sobrang daliri nya?

No comments:

Post a Comment