Pasado alas dose na ng kami ay nagpasyang lumabas upang lumipat sa ibang lugar. Mula roon ay naglakad-lakad kami at dinala kami ng aming mga paa sa bay walk. Nagkape kami sa Lami. Habang kami ay naglalakad, madami kaming nadaanang mga nagsisitulog sa bangketa. Maayroon akong nakita na mag-asawa na natutulog na. Marahil ay nagising sa aming mga yabag, bumangon yung babae at nang makitang walang kumot yung asawa ay kinumutan nya ang natutulog na asawa. Naisip ko, buti pa itong mag-asawang ito sa hirap at ginhawa ay magkasama! May nakita rin akong isang bata, na sa aking tantya ay wala pang 2 taong gulang, na nakaupo katabi ng kanyang inang mahimbing na natutulog. Tila binabantayan nya ang kanyang ina. Kaagad ay naalala ko ang aking anak na si Sophia. Sana ay di nya danasin ang ganong kalagayan!
Nagatagal pa kami sa Lami, medyo napasarap pa kasi ang kwentuhan at dumating pa yung BF ni Raki na kamukha ni Bayani Agbayani. Sabi ni Joy, kartada 7 daw. Sabi naman ni Aryan, nakaka disappoint daw. Mas bagay daw sila Joy at Raki. Sabi ko naman at least ngayon lalaki na ang syota ni Raki! hehehe! peace tayo Raki ha?
Napag diskusyunan din namin ang bigalaang pagtaas ng presyo ng beer sa bay walk. Mula sa dating P 30.00 ngayon ay P 60.00 na! May memo daw si Mayor Atienza. Iisa ang aming naging tanong sa aming mga isip: Naghahanda na kaya si Mayor Atienza ng camapaign fund para sa darating na eleksyon? Tatakbo kaya ulit sya?
No comments:
Post a Comment