Ewan ko ba bakit may mga pagkakataong gusto kong sumigaw ng malakas na malakas na di ko naman magawa dahil hindi ito normal na ginagawa ng isang matinong tao lalo pa nga at ako'y nasa opisina ngayon.
Ewan ko ba bakit hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang magagalit sa akin ang isang tao na sa totoo lang ay wala naman akong alam na dapat ikagalit. Pinandidirihan ko daw sya? Samantalang nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil sa kanyang mga ginawa?
Ewan ko ba bakit kailangang bangungutin pa ako kagabi!
Ewan ko ba bakit kailangang maging komplikado ang buhay ng isang tao. Kung tutuusin napakasarap mabuhay sa mundo kahit na sabihin pa nating naghihirap ang bayang Plipinas dahil sa kasakiman ng mga nasa poder. Masarap pa rin mabuhay sa mundo kahit na ang mga mayayaman ay lalong yumayaman habang ang mga mahihirap ay lalo namang naghihirap. Masarap mabuhay kasi darating ang panahon na mababaligtad din ang tatsulok!
Ewan ko ba bakit simpleng pabor lang naman na ibili ako ng big mac eh kung anu-ano pa ang sasabihin!
Ewan ko ba bakit di ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin!
Ewan ko ba bakit kailangan ko pang magsulat dito! Makapagtrabaho na nga lang. Ok, ano nga ba yung PC2Phone?
Saturday, August 30, 2003
Thursday, August 28, 2003
Career, oh career!
Habang ako ay kasalukuyan pang nag-iisip kung ano ba talaga ang career na tatahakin ko, 2 sa aking mga kaibigan ay tila tiyak na sa kani-kanilang landas na tatahakin. Ang cupcake ko ay nakapagtayo na ng sarili nyang negosyo, bilang isang Certified MYOB Consultant. Balak ko ngang magtrabaho sa kanya eh kahit part time lang. Pede ako kahit sa marketing o kaya ay sa implementation ng system. Matagal kaming nag-usap kanina at nag-offer ako na gumawa ng website nya (feeling pro ako eh! hehehe!).
Samantala yung isa ko pang kaibigan ay tila seryoso na sa kanyang singing career. Nakapag record na sya ng kanyang mga sariling komposisyon at kasalukuyang naghahanap ng producer. Walang duda, mabigyan lang ng pagkakataon ang kaibigan kong ito ay tiyak na gagawa ito ng malaking pangalan sa industriya ng musika! Kaya kung may kakilala kayong producer, paki refer nyo naman sya. Kung gusto nyo marinig ang kanyang mga kanta, punta kayo sa kanyang homepage.
Nakakainggit ang mga kaibigan kong ito. Pero mas nakakainggit si Eugenio Mahusay Jr., ang star witness ni Sen. Lacson kaugnay ng isyu hinggil kay Jose Pidal. Palagay ko hindi magtatagal ay ipapalabas na sa "Maala-ala Mo Kaya?" ang kwento ng kanyang buhay. At kung lubos syang suswertehin, baka may magkainteres pa sa kanyang talent managers. Medyo may talent sa acting eh (nakita nyo ba nun gumiiyak sya?)!

Tuesday, August 26, 2003
Pangamba ng isang ama
Kagabi, habang pinagmamasdan ko si Sophia sa kanyang
pagtulog, kung anu-anong bagay ang pumasok sa aking isip. Gaya ng kung ano kayang
kapalaran ang naghihintay sa batang ito? Maibigay ko kaya ang lahat ng
kanyang pangangailangan? Ganap na kayang karapatan ang edukasyon
at hindi lamang pribelehiyo sa mga may kayang magbayad para dito? O
baka naman kasingtayog na ng langit ang bayarin sa matrikula? Sa kanya
kayang paglaki ay masaksihan nya pa rin yung maraming kababayan na sa
bangketa na natutulog?
Makarinig pa kaya siya ng balita tungklol sa demolisyon ng tahanan ng mga maralitang tagalungsod? Makarinig pa kaya siya ng balita tungkol sa magsasakang minasaker ng militar?
Marinig nya pa kaya yung sigaw sa lansangan ng mga makabayang
nagdedemostrasyon gaya ng Imperyalismo, Ibagsak! Burukrata Kapitalismo,
Ibagsak! Pyudalismo, Ibagsak!?
Maayos na kaya ang kalagayan ng mga manggagawa?
Ano kaya ang landas na tatahakin ng batang ito kung makagisnan pa rin
nya ang lipunang punong-puno ng pagsasamantala? Pumanig din kaya sya sa
mga aping sektor ng lipunan tulad ng ginawa ni Kristo, na
kailanman ay di pumanig sa naghaharing uri ng kanyang panahon?
Sa kanya
kayang panahon ay uso pa rin ang pagtatago ng pera sa bangko gamit ang
mahihiwagang pangalan tulad ng Jose Velarde at Jose Pidal? May “plenty of sex”
din kaya ang mga magiging pangulo ng bansang Pilipinas sa kanyang
panahon? Patuloy pa rin kaya ang gera sa Mindanao? Patuloy pa rin kaya
sa pandarambong ang Estados Unidos sa mga bansang mahihirap?
Haayyy...ang daming tanong na di ko pa masagot sa ngayon. Ganun pala ang
pakiramdam ng isang ama, masyado mag-alala at malayo na ang tinatanaw
sa unahan!
Ipaghanda sila ng daigdig na sagana Nasa atin ang panahon….
Hindi ko man tiyak kung ano ang mangyayari sa darating na bukas, sisiguraduhin ko naman na hindi ako sususmbatan ng aking anak kung bakit di ako kumilos para sa pagbabago ng kasalukuyang kalagayang panlipunan, kung bakit di ko siya ipinaghanda ng isang magandang bukas!
Di ko man masaksihan ang isang lipunang walang pagsasamantala, naway maliwanag na umaga ang makita ni Sophia sa pagmulat ng kanyang mga mata.
Thursday, August 21, 2003
Si Ninoy Aquino at Mike Arroyo
Kagagaling ko lang sa website ng Inquirer at naging tampok sa aking nabasa ang istorya tungkol kay Ninoy Aquino at Mike Arroyo.. Parehong naging presidente ng Pilipinas ang kani-kanilang mga asawa. At ngayong araw na ito, pareho din silang laman ng pahayagan.
Si Ninoy dahil sa ito ay ang araw ng kanyang kamatayan, na sinasabi ng marami na naging mitsa ng pagpapabagsak sa diktadurya ni Presidente Marcos. At si Mike dahil sa isiniwalat ni Sen. Ping Lacson na di umano'y paggamit ng una sa pangalang Jose Pidal para itago sa bangko ang P 271 milyong piso bilang pondo sa pagtakbo ni Pangulong Arroyo. Ito kaya ang maging mitsa ng pagbagsak ng rehimen ni Pangulong Arroyo?

Wednesday, August 20, 2003
New Look
Matagal ko na gusto baguhin yung layout ng blog ko pero ngayon ko lang nagawa kasi ngayon lang ako nagka oras na pag-aralan yung mga blogger tags. Ngunit dahil sa hindi ko pa masyado makuha, di ko pa rin nagwa yung gusto kong layout. Pansamantala eto na lang muna ang gagamitin ko.
Halos kasabay ng pagbabago ng layout ng blog ko, parang unti-unti ring nagbabago ang takbo ng aking buhay. Yun nga lang di ko pa rin maintindihan kung saan talaga patungo. Ang dami kasing magkakasangang daan na alam kong kapag ako'y nagkamali, mahihirapan na naman akong bumalik upang tumahak sa tamang daan. Meron sana akong napiling dadaanan pero alam kong di ganon kasing tahimik ang magiging paglalayag ko. Mas malaki ang posibilidad na iyon ang aking tatahaking daan marating ko man ang finals o hindi. Pero sino ba sa mundo ang nakasisigurado sa bukas?

Saturday, August 16, 2003
Gimik
Matapos ang mahaba-habang panahon ay muli kaming gumimik ng mga kaibigan ko sa kolehiyo - mga kasama sa Samasa Party at Student Council. Pumunta kami sa Banda Forest, yung sa bandang likod ng US Embassy. Kumain lang kami at uminom ng konti habang nagkukumustahan. Paminsan minsan ay sinubukan din naming makigulo sa dance floor.
Pasado alas dose na ng kami ay nagpasyang lumabas upang lumipat sa ibang lugar. Mula roon ay naglakad-lakad kami at dinala kami ng aming mga paa sa bay walk. Nagkape kami sa Lami. Habang kami ay naglalakad, madami kaming nadaanang mga nagsisitulog sa bangketa. Maayroon akong nakita na mag-asawa na natutulog na. Marahil ay nagising sa aming mga yabag, bumangon yung babae at nang makitang walang kumot yung asawa ay kinumutan nya ang natutulog na asawa. Naisip ko, buti pa itong mag-asawang ito sa hirap at ginhawa ay magkasama! May nakita rin akong isang bata, na sa aking tantya ay wala pang 2 taong gulang, na nakaupo katabi ng kanyang inang mahimbing na natutulog. Tila binabantayan nya ang kanyang ina. Kaagad ay naalala ko ang aking anak na si Sophia. Sana ay di nya danasin ang ganong kalagayan!
Nagatagal pa kami sa Lami, medyo napasarap pa kasi ang kwentuhan at dumating pa yung BF ni Raki na kamukha ni Bayani Agbayani. Sabi ni Joy, kartada 7 daw. Sabi naman ni Aryan, nakaka disappoint daw. Mas bagay daw sila Joy at Raki. Sabi ko naman at least ngayon lalaki na ang syota ni Raki! hehehe! peace tayo Raki ha?
Napag diskusyunan din namin ang bigalaang pagtaas ng presyo ng beer sa bay walk. Mula sa dating P 30.00 ngayon ay P 60.00 na! May memo daw si Mayor Atienza. Iisa ang aming naging tanong sa aming mga isip: Naghahanda na kaya si Mayor Atienza ng camapaign fund para sa darating na eleksyon? Tatakbo kaya ulit sya?

Thursday, August 14, 2003
Anak ng Jueteng
Umuwi ako kagabi sa probinsya namin sa Batangas upang magrelaks ng konti. Matagal na rin naman akong di umuuwi. Ang sarap ng tulog ko kasi dire-diretso. halos 2 linggo rin akong putol-putol tulog kasi katabi ko matulog si Sophia. Medyo masakit sa ulo dahil nga sa puyat, pero enjoy naman ako. Lalo na pag naglalaro kami ng baby ko tuwing madaling araw. Feeling ko naiintindihan nya na mga sinasabi ko.
Tumama kasi sa jueteng ang Inay, P 3,000.00 din yon! Ang dinaya kasi este tumama pala ay 30-24. Syempre pa binalatuhan nya halos lahat ng makita nya, pati na yung construction workers na gumagawa ng bahay ng Ate Digna. Kasama sa binalatuhan nya ang Nanay Igle, na narinig ko ang boses habang ako'y naliligo. Kapitbahay namin sya at Lola sya ng childhood sweetheart kong si Venus. Ng mabalitaan nyang tumama nga ang Inay, sabi nya: "Salamat sa Diyos! Sa Mahal na Birhen!" Muntik ko na mabitawan yung sabon sa narinig kong reaksyon. Naisip ko, sobra talaga relihiyoso ng mga Pilipino. Pero bigla ko natanong sa sarli ko, bakit kaya di lahat ay patamain ng Diyos sa Jueteng?
Di ba mas politically correct kung ang maging reaksyon pag tumama sa Jueteng ay: "Ay salamat po Hepe!" o di kaya naman ay "Ay! Salamat po meyor!"? Palagay nyo?
Natatandaan ko din parang sinabi ni Sec Lina na kapag di nya nasugpo ang jueteng in two years ay magreresign sya. Di pa ba tapos yung two years na yun? Hmmmm......

Wednesday, August 13, 2003
Picture ni Sen. Honasan sa "Blood Compact"
Ito yung inilabas ng MalacaƱang sa media na di umano'y litratong kuha ng idaos ang "blood compact" ng Magdalo Group kasama Si Sen. Honasan. Pero ayon naman sa maraming experts, mukhang peke daw ang picture.
Peke man o totoo ang picture, hindi nito kayang takpan ang katotohanang umaasngaw ang amoy ng korapsyon sa AFP at ang pagka bangkarote ng Administrasyon ni Pangulong Arroyo.
Kayo, ano tingin nyo don sa picture?

Panibagong sigla
Siguro nga di ako dapat maging sobrang seryoso sa buhay, wala pa naman kasing nakakalabas dito ng buhay eh. Siyempre di dito kasali sina Elijah at Enoch na ayon sa bibliya ay parehong dumiretso sa langit ng di namamatay. Pero wala pa rin namang nakakapagpatotoo dito.
Kaya simula ngayon, matapos ang walang sawang pagtahol ng sutil na aso sa tabi ng aming bahay kagabi, maglalakbay akong dala-dala ang aral mula sa maikling karanasan ng isang pusa sa lungga ng daga. Siyempre tangan ko pa ring mahigpit ang sagwan para kahit anong unos ang dumating patuloy pa rin ako sa pagsagwan.
Ang hirap palang mawala ng matagal sa opis, ang dami kong hahabulin. Di ko pa kabisado yung presentation ng bago naming produkto - yung VoIP. Haaayyy... sana nga makabenta ako. Pambili man lang ng diapher at gatas ni Sophia
Habang sinusulat ko ito napatingin ako sa bintana, nakuha ng mga alon sa dagat ang aking atensyon. Parang ang sarap mapag-isa doon sa mga batuhang hinahampas ng alon. Sana isang araw mapuntahan ko yung lugar na yon.

Tuesday, August 12, 2003
Kailan kaya magugunaw ang mundo?
Hindi pa man ako nakakatuntong sa elementarya naririnig ko na ang usapan hinggil sa katapusan ng mundo. Natatandaan ko pa sabi nung isa kong kalaro, 1999 daw magkakaroon ng gera. Grabe ang takot ko noon. Lalo pang nadagdagan ang naririnig at nababasa ko tungkol sa katapusan ng mundo simula ng ako'y pumasok sa eskwela. Nariyan ang samu't saring kulto na nagdedeklara ng eksaktong petsa at oras ng katapusan ng mundo. Ang kaibahan, imbis na ako'y matakot, natatawa na lang ako.
Naranasan nyo na bang minsan ay halos hilingin nyo na sana ay katapusan na ng mundo? Na sana ay tumigil ang oras dahil ang isang minutong pag-usad nito ay katumbas ng isang araw na pangamba? Na gusto mong lumayo ng malayong malayo? Haaayyy....ang hirap mga kapatid!
It's a good thing that there is one thing that keeps me holding on. Meron kasing isang tala na tumatanglaw sa aking paglalakbay. Ganunpaman, unti-unti naman itong hinihigop ng haring araw. Pero habang aking natatanaw ang nasabing tala, patuloy akong maniniwala sa umagang hinihintay ni Arianna. Pero ano kaya kung sumama na lang ako kay Tano?

Subscribe to:
Posts (Atom)