Muli ay nagpakita ng pwersa si Bro. Eddie sa kanyang rali kahapon sa Makati City. At di tulad ng mga rali ng mga trapo, naniniwala akong walang hakot sa mga dumalo at walang binayaran. Hindi na ako nagulat sa dami ng taong sumama sa rali. Yun ngang simpleng tao na namumuno ng maliliit na relihiyon sa mga liblib na kanayunan (tawag ng marami ay kulto) ay napapaniwala ang kanyang mga tagasunod na siya ang Diyos o kundi man ay anak ng Diyos, Si Bro. Eddie pa kaya na halos araw-araw na nakikita sa TV na bukangbibig ang pag-asa para sa pagbangon ng Pilipinas?
Samantala, si Sen. Roco naman ay umamin na na bumalik yung dati nyang prostrate cancer. At dahil dito ay maraming nag-iisip kung iboboto pa rin nila si Roco, kahit na naniniwala silang siya ang pinaka karapat-dapat na maging pangulo sa mga naglalaban dito. May nagsasabi rin na si GMA ang makikinabang sa ganitong sitwasyon. May magandang pagsusuri dito si Sassy Lawyer.
Marami akong kaibigan na ang iboboto ay si Bro. Eddie. Pero hindi talaga ako makumbinsi na sya ang iboto ko.
Una dahil hindi ko pa rin nalilimutan yung JESUS DECALARES VICTORY noong nakaraang 1998 presidential election (gamitin daw ba si Kristo sa pangangampanya?). Iniendorso ni Bro. Eddie ang prinsipe ng mga trapo (alam nyo na kung sino yun at di na kailangang pangalanan pa). Tanong ko lagi bakit yung prinsipe ng trapo ang iniendorso nya. Anong basehan? May sumagot pa nga sa peyups forum na yun daw ang will ng God. Eh bakit natalo? Kasi daw hindi yung ang perfect will ng God. May tinatawag daw na permissive will. Tanong ko ulit, sino ang magsasabi kung ang will ng God ay permissive o perfect, Si Bro. Eddie? Wala na akong nakuhang sagot.
Kung tutuusin, maganda rin naman ang kanyang plataporma at maayos din syang sumagot sa mga tanong tuwing kinakapanayam siya. Minsan pa nga, ay humuhugot pa ng mga mensahe sa bibliya bago tuluyang sagutin ang tanong. Bagay na nakakakaba kasi may nabasa din ako tungkol don sa paggamit ng demonyo sa mga nakasulat sa bibliya upang makapanlinlang.
Siguro makarinig lang ako ng magandang paliwanag sa pagsuporta niya sa prinsipe ng mga trapo (yung hindi lokohan tulad ng will of god), baka sakaling iboto ko sya at gamitin ang nalalabing mga araw bago sumapit ang eleksyon para kumbinsihin ang iba pa na iboto rin sya.
Sa ngayon, si Sen. Roco pa rin ang iboboto ko. May sakit nga sya, pero hindi naman sa diwa at kaisipan.
Friday, April 30, 2004
Thursday, April 29, 2004
Bagong Trabaho?
Sa totoo lang, ilang buwan na rin akong halos walang ginagawa dito sa opisina. Yung business unit kasi na hinahawakan ko ay nasa process ng winding up. Wala namang ibinibigay sa akin na bagong assignment. Kaya paminsan-minsan ay tumutulong na lang ako sa marketing ng ibang negosyo ng Big Boss kong Kano, na matapos ang mahabang panahon ay bumalik din sa Pilipinas. Kararating lang nya noong Lunes at kanina ay sinabihan nya akong mag-uusap daw kami bukas ng umaga. Sabi nya: "Go to my office tomorrow at 9 a.m., we'll talk about your future here.". Sabay kindat at tawa sa akin. Tapos nakita nya yung picture namin ni Pia na ginawa kong wall paper. Ang kyut daw ni Pia! hehe!
Sisisentahin na kaya ako? hehe! Pero sabi sa akin ng assistant nya, mukhang ibabalik daw ako sa dati kong trabaho, na hahawak sa mga komplikadong kaso ng mga aplikante. Mukhang balik full time consultant na naman ako sa CIC . Maganda naman sana yung trabaho, kaya lang yun nga, medyo nagsasawa na ako at gusto ko namang maiba. Sa isang banda naman, nakakagaan din naman ng pakiramdam pag may nagpapasalamat sayong kliyente dahil na-approved yung application nila at makakapamuhay na sila sa Canada. Hanggang ngayon nga may mga kliyente kaming nasa Canada na pero patuloy pa ring nag-e-email sa akin.
Gusto ko sanang luminya na don sa kursong natapos ko, o kung di man ay don sa malapit-lapit man lang. Kaya nga nagbabalak akong kumuha ng CPA Board Exam sa darating na October. Haayyy... bahala na si batman bukas!

Joel Rocamora at ang AFP! :P
Nag google ako tungkol sa BAYAN MUNA at napunta ako sa artikulo ni Joel Rocamora na may pamagat na "Bayan Muna and the NPA".
Mukhang nakahanap na ng kakampi si Norberto Gonzales at ang AFP para bigyang katwiran ang pandarahas sa Bayan Muna at mga kaalyado nito. Tsk! Ilan pa kaya ang mamamatay o mawawalang kasapi ng mga grupong ito bago matapos ang eleksyon?
Kagabi napanood ko yung dokumentary film tungkol sa apat na kabataaang kasapi ng Anak ng Bayan na pintay sa Compostela Valley ng mga hinihinalang ahente ng Military Intelligence Group noong September 2003. Nakakagigil talaga! Parang hindi tao yung gumawa ng krimen na ito.
At hanggang ngayon ay patuloy parin ang harrasment. Dagdag pa sa ulat na ito, may dalawang kasapi ng Anak ng Bayan sa Quezon Province ang nawawala noong linggo pa. Hinihinalang dinukot din ng mga militar.
Hindi malayong manguna ulit na Party List ang Bayan Muna ngayong 2004 Eleksyon, ano kaya ang magiging paliwanag ni Mr. Rocamora dito? Hmmmm....
Sa palagay ko lang naman, kung hindi naniniwala ang maraming mamamayan sa programa ng Bayan Muna ay hindi ito mananalo sa eleksyon. Hindi mapipigilan ng mga intriga at pandarahas ang pagnanais ng mga aping sektor na maisulong ang kanilang interes - ang magkaroon ng sariling lupa, maayos na tirahan, karapatan sa edukasyon (hindi pribelehiyo lamang), makatarungang pasahod at tunay na kalayaan at demokrasya. Sa madaling salita: BAYAN MUNA!

Tuesday, April 27, 2004
Oh Canada!
May kumonsulta sa aking kliyente kahapon, hinggil sa kanyang aplikasyaon para Canadian Immigrant Visa. Part-time consultant ako sa Canadian Immigration Consultancy.
Nasa final stage na ang kanyang applilcation, pinapagbayad na siya ng Right to Permanent Residence Fee at may medical instruction na rin sya. Nagdadalawang isip siya kung itutuloy pa niya ang kanyang application dahil nagkaroon ng magandang trabaho ang kanyang asawa bilang piloto sa Cebu Pacific. May isa silang anak at maayos naman ang kanilang katayuan sa ngayon.
Siyempre, ipinaliwanag ko yung mga benefits kung sakaling magiging immigrant sya sa Canada. Sabi naman nya ay maayos naman ang buhay nila dito at may malaking oportunidad ang kanyang asawa sa kanyang kasalukuyang trabaho. Kaya sabi ko na lang sa kanya, alamin nila kung ano talaga ang kanilang priority. Pag-usapan nilang mag-asawa. Sabi ko pa, isa-alang-alang din nila na dito ay maaaring mamuno ang bangungot ng bayan. Natawa na lang siyang bigla. Marami nga raw siyang kilala na umalis na ng bansa dahil dito. Pag-iisipan nya raw ng maiigi kung itutuloy pa nya.
Minsan naiisip ko rin ang subukan ang kapalaran sa ibang bansa. Pero saan ko man tingnan ay masaya ang buhay dito sa Pinas. Mahirap kumita ng pera pero lagi namang nakakagawa ng paraan. Kahit paano naman ay nakakainom pa rin ako ng sanmiglayt at nakakatambay sa paborito kong bar paminsan-minsan pagkagaling sa opisina. Paminsan-minsan din ay nakakasama ako sa mountain climbing kasama ang mga taga ASMSI. (Sa July naka schedule kaming umakyat sa Famy, Laguna) Ang babaw ko no? hehehe!
Oo nga at batbat ng krisis ang lipunang Pilipino at maaaring hindi kanais-nais ang manirahan dito sa ngayon. Pero ano nga ba ang dapat gawin sa sitwasyong ganito? Ang lisanin ang bayang Pinas at manirahan na sa ibang bansa? Minsan kasi ang tingin ko dito ay pagtakas sa problema. Pero hindi rin naman sila masisisi kung mismong ang gobyerno ang nagmimistulang bugaw na nagtutulak sa kanila palabas.
Ang paglabas ng bansa ng maraming Pin@y ay palatandaan lamang ng malalim na problema ng ating lipunan. At kung ang ugat ng lahat ng problemeng ito ay hindi malulunasan, ano nga kayang lipunan ang naghihintay kay Pia ko?

Friday, April 23, 2004
Mt Makulot Climb
Medyo maaga ako matutulog ngayon at bukas ay aakyat ako ng bundok, kasama yung mga kaibigan mula sa ASMSI. Madaling araw ang aming alis kaya kailangan kong magising ng maaga.
Matagal na ring panahon ng huli kong marating ang tuktok ng Mt. Makulot. Mula sa tuktok ng Mt. Makulot ay matatanaw ang magandang tanawin ng Taal Lake at Taal Volcano. Mag-aalmusal muna kami sa aming munting bahay bago umakyat. Doon kami magpapalipas ng gabi at kinabukasan ay sa muli kaming babalik sa bahay para mananghalian, bago lumuwas. Medyo konti nga lang ang dadalhin kong gamit at baka bumigay yung aking balakang, na awa naman ng Diyos ay di na sumasakit. Promise, di na ako babalik sa albularyo. :)

Who's Afraid of Bayan Muna?
Nakatanggap ako ng email kanina mula sa isang list group, paanyaya para sa isang forum kaugnany ng mga paratang laban sa nangungunang Party List Group na Bayan Muna:
Dear Friends:
We are a group of professionals deeply concerned about moves by certain government quarters to disqualify party-list topnotcher Bayan Muna and other perceived left-leaning political parties in the May 10 elections.
Such moves raise serious and troubling questions about the political direction of government, the state of basic freedoms and civil liberties, the parameters of democratic space, and the historic role of the left in Philippine society.
To delve deeper into these issues, and gather support for our beleaguered friends in Bayan Muna, we would like to invite you to a forum on April 27, 2004, Tuesday, 9 am-12 noon, at the Faculty Center Conference Hall (Bulwagang Claro M. Recto), UP Diliman, Quezon City. The forum — entitled “Who’s Afraid of Bayan Muna?” — will be led by a distinguished roster of speakers.
We hope you will join us in this gathering of kindred spirits. Together, we hope to come up with a deeper understanding of these worrisome developments and help chart a common plan of action to confront the issue. See you on the 27th!
Very truly yours,
EDNA CORPUZ-MORALES, M.D.
Coordinator, Friends of Bayan Muna
Room 317, Medical Arts Bldg.
St. Luke’s Medical Center
Mobile No. 0918-571-0305
ED CLEMENTE, M.D.
Coordinator, Friends of Bayan Muna
Room 501, CMC 3
Capitol Medical Center
Telephone No. 371-211
RSVP: Rose or Judith
Tels. 921-3473; 921-3499
Hindi ko pa sigurado kung makakadalo ako, pero pipilitin ko.
Samantala, isang nominee naman ng Party List Group na Anak ng Bayan ang inaresto sa Negros Oriental noong Miyerkules, April 21, 2004. Siya ay si Ronald Ian Dellomes Evidente, 25 years old, at Regional Vice Chairperson ng BAYAN-Negros Island. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogeciano T. Rivera ng Municipal Trial Court ng Sta. Catalina, Negros Oriental, nag-aakusa sa kanya ng krimeng "murder". May isa pa siyang co-accused na hindi man lang kilala kilala ni Ian. Ayon sa grupong BAYAN, isa na naman itong panggigipit sa kanilang grupo. Nananawagan ang BAYAN na palayain si IAN ng walang anumang kundisyon!
Grrrr.... mukhang seryoso ang gobyerno sa panggigipit sa mga militanteng grupo. Ano kaya ang gusto mangyari ng gubyerno ni Arroyo? Ang mag-armas na lang ang mga ito kesa lumahok sa eleksyon? Bomalabas masyado!

Tuesday, April 20, 2004
Pia @ 7 months old
Ilang buwan na lang at hapi bertday na niya. Hindi ko pa sigurado kung saan idadaos ang kanyang kaarawan. Pero sigurado ako hindi sa Pangasinan. Doon na sya bininyagan, kaya iniisip kong sa Batangas naman sya magdaos ng kanyang unang kaarawan. Pero sabi ng mga ninong at ninang nya, dito na lang daw sa Manila para hindi na bumiyahe ng malayo. Bahala na...
Wednesday, April 14, 2004
Masakit ang balakang ko!
Mukhang umaatras na si Sen. Roco sa laban. Bagama't mukha namang lehitimo ang dahilan sa kanyang pagpunta sa US para magpagamot, di talaga maiiwasan ang mag-isip ng iba pang dahilan. Lahat ay posible sa pulitika dito sa Pinas. Kung si Tito Guingona nga at ang paru-parung si Loran ngayon ay nasa kampo na ni Erap, hindi rin malayong umatras na sa laban si Roco. Pag nagkagayo'y sayang talaga.
Tulad ni Sen. Roco, ngayon ay nakararanas din ako ng pananakit ng balakang. Minsan nga ay bigla akong napaupo sa sahig dahil biglang sumakit ang balakang ko. Karga ko pa naman si Sophia noon, buti na lang at di ko sya nabitawan. Di talaga ako makatayo noon dahil sa sakit. May oras naman na halos nakayuko na ako maglakad. Kaya nga noong Easter Sunday ay hindi ako masyado nag-enjoy sa beachPero ngayon ay medyo tolerable na naman ang sakit. Ganunpaman, kailangan ko na talaga ito patingnan.
Kung si Sen. Roco ay papuntang US, ako naman ay papunta mamaya sa Batangas. Uuwi ako para magpahilot o magpaalbularyo. Medyo di kasi ako kumbinsido sa sabi ng doctor ko kahapon ng ako ay kumonsulta sa San Juan De Dios Hospital. Scoliosis daw. Nagpa X-Ray na ako kahapon, pero bukas ko na lang kukunin ang resulta. Kitang-kita naman na medyo tabingi yung hubog ng likod ko, lalo na yung balakang ko. Pakiramdam ko nga ay maigsi yung isang paa ko. Tinanong ko sa doktor kung bakit naman biglang-bigla ay nagkaganon. Sabi ng doktor matagal na daw yon, di ko lang napapansin. Imposible naman yun, naisip ko. Kaya susubukan ko kung ano sasabihin ng albularyo.
Naniniwala ba kayo nakakapagpagaling ng karamdaman ang mga albularyo?

Thursday, April 01, 2004
Haaayyyy Buhay....
Ilang araw na ring laging kakaiba ang aking pakiramdam. Parang ang bigat lagi ng aking katawan at animo'y lagi kong hinahabol ang aking paghinga. Yung mga simpleng bagay na dapat kong gawin ay kinatatamaran kong gawin. Bihira na rin akong mangapit bahay lalo na sa paborito kong pansitan. Parang may mali eh. Minsan ko nang naramdaman ito kaya naman minsan ay naitanong ko ito. Pero iba naman ngayon. Parang tamad na tamad lang talaga akong magkikilos. Medyo naiiiba lang ang pakiramdam ko kapag nagbe-beautiful eyes si Sophia. Kahit paano ay nalilibang ako. Palagay ko sobrang kulit nya kapag lumaki-laki pa ng konti at nakakapaglakad na.
Mabuti na lang at medyo mahaba ang bakasyon ngayong mahal na araw. Kulang lang siguro ako sa bakasyon.

Subscribe to:
Posts (Atom)