Wednesday, December 29, 2004

Si Taz


Ba't ko raw nagustuhan si Taz samantalang salbahe sya? Minsan ay tanong sa akin ng isa kong kaopisina. Sabi ko sa kanya, yun nga yung dahilan kung bakit ko sya nagustuhan eh. Gusto kong maging salbahe! hehe!

Subukan mo...


Naglalakad ako kanina papuntang opis nang makita ko ito. Natawa ako sa nakasulat, parang galing sa maton na naninindak ng dumaraan.

Palagay ko lang, ang utak sa signage na ito ay kumuha ng ideya sa mga karaniwang nababasa sa pader gaya ng:

ang omehe dito, bogbog sarado!

aso ka ba? huwag kang umihi dito, gago!

Thursday, December 16, 2004

Passport Picture


Eto na Si Sophia ko ngayon. Medyo tumaba na sya ng konti. Dapat lang, kasi isang buwan na namin syang pinapainom ng Heraclene, na inireseta ng kanyang Pedia. Isang buwan na ring PediaSure ang gatas na iniinom nya. Grabe, ang bigat sa bulsa! Pero ok lang, kahit paano naman ay tumataba na sya.

Ikinuha na rin ni misis ng passport si Pia, baka daw kasi tumaas na ang bayad next year. Tuwang-tuwa ako sa picture nyang ito kaya ipinapakita ko ito sa halos lahat ng mga nakakasalubong ko dito sa opis. Parang reminder na rin sa kanila na namamasko si Pia. hehe!

Wednesday, December 15, 2004

Si Sister Joy at ang Sisters of mary School

Binisita ako kaninang umaga ni Sister Joy dito sa opis para ibigay yung christmas gift nya para sa akin at kay Sophia. Nakakatuwa talaga si Sister Joy, ang sweet!

Hanggang ngayon ay Sister Joy pa rin ang tawag ko sa kanya, yun kasi ang nakasanayan ko eh. Dati kasi syang madre na nag-aalaga sa mga estudyante ng Sisters of Mary School (SMS) at isa ako sa mga naging alaga nya 12 taon na ang nakakaraan. Natatandaan ko pa nga na minsan ay nakikipaglaro sya sa amin ng basketball. hehe!

Two years ago, nagulat na lang ako ng tumawag sya dito sa opis at doon ko na nga nalaman na lumabas na raw sya ng SMS, hindi na sya madre. Nalaman nya yung number ko sa isa pang gradweyt ng SMS. Nagkasundo kaming magkita sa Glorieta, dinner date kami. Nauna ako sa tagpuan namin kasi nga excited ako na makita syang muli. Ang problema nga lang ay hindi ko tiyak kung makikilala ko sya agad kasi nga di ko pa sya nakikita na hindi nakasuot pang-madre. Naghintay ako di kalayuan sa lugar na pinag-usapan namin (harap ng Mcdo) para masubukan kung makikilala nya pa rin ako matapos ang 10 taong di pagkikita. Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa akin at tinanong ako kung ba't doon daw ako naghihintay. hehe! Sabi nya kyut pa rin daw ako halos wala daw akong ipinagbago. Hindi ko alam kung yayakapin ko sya o hahalikan sa tuwa pero naiilang naman ako. Nakipag-kamay na lang ako.

nag-dinner kami sa Kenny Rogers. Ang tagal naming nagkwentuhan. At simula nga noon ay madalas na kaming nagkikita at nag-uusap sa telepono. minsan pa nga ay humihingi sya ng payo tungkol sa kanyang lablayp.

Huwag ko na raw syang tawaging Sister Joy, Ate Joy na lang daw. Sabi ko naman eh tinagalog nya lang naman yun eh.

Maikling paliwanag lang tungkol sa Sisters of Mary:
Ang Sisters of Mary School ay paaralang itinayo para sa mga kapuspalad, para sa mga kabataang hindi na kaya ipagpatuloy ang pag-aaral. Nagbibigay ito ng libreng high school education, vocational training, damit, pagkain, gamit sa pag-aaral at maayos na dormitoryo. Opo, mistulang isang paraiso. Ang pondong ginagamit dito ay galing lamang sa mga donasyon mula sa iba't-ibang bahagi ng daigdig. Sa totoo lang, di ko sigurado kung nasaan ako ngayon kung wala ang sisters of mary. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ko kay Fr. Al. Tingin ko nga sa kabuuang ito ay isang himala. Nakakatuwang isipin na ilan sa mga gradweyts ng SMS na halos aandap-andap ang buhay dati ay maayos na ang mga buhay ngayon - May mga abogado, enginers, teachers, CPA's, municipal councillors, businessmen at iba pa. Marami sa mga kapwa ko gradweyts ay nagtatrabaho sa Toyota, Nissan at maging so Ford, sa tulong na rin ng Sistres of Mary. Marami din ang mga napapasok sa mga pabrika bilang production workers at nagiging mga self-supporting students. Baka sakaling may gusto dyang magbigay ng donasyon, click nyo lang po ito. Pwede rin po ang online donations dito.

Ipinagmamalaki ko pong isa akong gradweyt ng Sisters of Mary School. :)

Monday, December 13, 2004

Magbungaga daw ba sa loob ng jeep?

Siksikan na sa jeep na nasakyan ko kaninang umaga papuntang opis. Ang daming mga batang nakasakay na kinandong na lang ng kani-kanilang mga kasama nang nakitang may sasakay na pasahero. Yung katabi kong ale ay may kandong na bata na pinalipat sa asawa nya na nasa bandang harapan nya.

Ikaw nga ang kumandong dine at malakas-lakas ang braso mo! Pasigaw na sabi nang ale na para bang galit na galit sa mundo.

Sa tono pa lang ng pananalita nya, mukhang kababayan ko yung ale. Labing apat yata silang magkakasama, kasama na yung mga kandong nilang bata.

Ikaw, kung magsalita ka, lagi nang... Sagot naman nung mama na ewan ko kung bakit hindi itinuloy. Siguro ay nahihiya na rin syang humaba pa ang usapan na ang daming nakakarinig. Kitang-kita ko sa mukha nya ang pagkainis pero wala naman syang magawa sa sitwasyon.

Lagi ka nang... Pabulong na sabi ng ale. Napalingon ako sa ale at may napansin akong hindi maganda. Nakasando sya (ewan ko kung ano tawag don, basta parang sando) at kitang-kita ko yung mga buhok nya sa kili-kili na medyo tumutubo na mula sa pagkakaahit. Hinid na ako muling lumingon pa sa kanya. Hinid naman mabaho pero may kakaiba syang amoy kaya medyo dumistansya ako at baka dumikit yung amoy sa barong ko. Buti na nga lang at di nagalit yung katabi ko sa kaliwa kahit na medyo nasisiksik ko sya.

Maya-maya pa ay muling nagsalita ang ale. Nakita nya kasi yung lighter na hawak ng kanyang mister na karga pa rin ang anak.

Ba'y baga ayaw nitong ilagay ang lighter sa bulas at hindi yung kimkim na gay-on? Naiinis na tanong ng ale sa kanyang mister. Sigurado ako dinig yun lahat ng mga nakasakay sa jeep kasi halos sabay-sabay silang lumingon sa lugar na pinanggalingan ng boses eh.

May problema ka? Ganti naman ni mister. Oo nga naman, ba't ba kailangan nya pa yung pakialaman? hehe!

Kakarume... Bubulong-bulong na sabi nung ale na halos ako lang yata ang nakakarinig. Bumulong din ako (sa isip nga lang), lalo ka na naman!

Hindi ko alam kung ba't ganun kainis yung ale sa kanyang mister. Maaaring nagtatalo na sila bago pa man ako sumakay. Ganunpaman, naaawa ako don sa mama. Hindi dahil nakikita ko yung sarili ko sa kanya, ha? hehe!

Nakakainis kasi yung ganun eh. Sa publikong lugar nga ay nakukuha nilang magbungangaan ng ganon, ano pa kaya ang kaya nilang gawin pag nasa loob ng pamamahay nila?! Tingin ko kasi don sa babae ay natural na ang pagkabungangera. Hindi naman sa binibigyang katwiran ko yung pananakit sa asawa, pero masisisi ba ang lalake kung sobrang bungangera naman talaga si babae at di nakapagtimpi si lalake? Yun nga lang, kung alam ni lalake na maigsi lang ang pasensya nya dapat sya na ang umiwas. Kasi kung maya't-maya na lang ay di nakakapagtimpi si lalake, ibang usapin na yun. Iba rin syempre yung sadista na talaga o kaya naman ay sobrang gaan ng kamay si lalake. Kagaguhan naman yun.

Sa nasaksihan ko kanina sa jeep, masasabi kong maswerte pa rin ako kasi hindi naman ganun kalubha yung asawa ko kapit-bahay namin. hehe!

Thursday, December 09, 2004

My passport application adventure

Galing ako sa DFA kanina, nag-apply ng passport. Balak ko sana dati na ipa-process na lang sa travel agency yung passport ko para di na ako mahirapang pumila at makaiwas sa mga makuulit na fixers. Pero dahil mahilig din naman akong makipagsapalaran, nag-direct na lang ako.

Nandon pa lang ako sa kanto ng Roxas Blvd at Arnais St, may sumalubong na sa akin. Kulang na lang ay may mag-alalay sa akin sa pagbaba ko ng FX. hehe!

Ser, passport po ba?

Hindi, sagot ko naman. Diretso lang ako ng lakad papuntang entrance ng DFA. Ang dami kong nadaanang mga fixers na kanya-kanya ng pangungulit sa mga nasasalubong nila. Dikit-dikit din yung mga photo studio na may kani-kaniyang taga sigaw na parang barker sa mga paradahan ng sasakyan.

Sindya kung magpa-photocopy ng ID doon sa isang photocopying center na malapit sa entrance para masaksikan ko ng personal yung modus operandi nung mga fixers. Tinanong ako kung may form na ako. Sabi ko ay wala pa at humingi ako ng isa. Hindi naman ako siningil. May sasabihin pa sana sa akin yugn nagbigay, pinutol ko na ang usapan at nagpasalamat na lang. Sa loob ng phocopying center na iyon ay may isa pang "serbisyong" pinagkakakitaan. Sa halagang P 5.00 may magdidikit na ng picture mo sa form, ilalagay ang 2 pang litrato sa plastic at i-i-staple sa form, at pahihiramin ka ng stamp pad para sa thumbmark. Sinubukan ko ring makipila doon.

Ser, di po pwede yung picture nyo. Maliit yung mukha at may shadow pa.

Balak pa akong isahan ni Manang. May photostudio kasi sa likuran nya eh. hehe!

Manang naman, di naman po ako kahapon lang pinanganak eh. Ok na po yan.

Di na sya sumagot at inayos na lang yung pictures ko.

Sa loob naman habang nakapila, may nakakwentuhan akong isang babae. Carol ang pangalan nya, dalaga, 24 yrs old. Nakita ko kasi syang may dalang NBI Clearance samantalang ako naman ay wala kasi nga ang alam ko ay hindi naman kailangan.

Miss, kailangan ba talaga yung NBI Clearance?

Kailangan daw at dapat for travel yung purpose. Ganun daw yung ipinasa ng kaibigan nya nung kumuha ng passport. Yun na yung naging simula ng kwentuhan namin. Tinanong nya ako kung nag-aaply din ako ng trabaho abroad. Sabi ko naman ay nagbabalak pa lang ako. Nung siya naman ang tinanong ko ay baka next year daw ay makaalis na siya. Tinanong ko kung saan ang punta nya.

Alam nyo na po yun syempre.

Sabay tawa sya. Ako naman ay napaisip. Japan ang naisip ko pero syempre hindi ko na sya tinanong kung doon nga kasi parang nahihiya syang sabihin yun. Pero dahil sa gusto ko ngang matiyak kung tama nga ako ng iniisip, kinuwento ko sa kanya may pinsan ako na nagbabalak ding mag-abroad, sa Japan naman ang punta nya.

Doon din nga po ang punta ko, Kuya.

Tama ako. hehe! Tinanong ko sya kung may Artist Record Book na sya. Meron na daw at ang hirap daw makakuha non. Hanggang sa napagkwnetuhan na namin yung lovelife nya.

Buti, pinayagan ka ng boypren mo?

Ang gusto ko talagang itanong ay kung may boypren na sya. At yun nga, medyo nagkakaproblema daw sila ngayon kasi ang gusto daw ng BF nya ay magpakasal muna sila bago sya umalis papuntang Japan. Ayaw nya pa naman daw kasi nga panganay sya at madami pa syang kapatid na pinapaaral. At isa pa hindi pa naman daw sya sigurado kung sila na nga. Mukha raw walang tiwala sa kanya. Sabi ko naman ay tama ang naging desisyon nya, logical. Si Carol ay nakatapos ng BA Marketing Major sa UE Recto at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang tiange bilang katiwala. Sa Manila sya ipinanganak at lumaki. Sa Bamabang sya nakatira ngayon. Yung boypren nya naman ay isang teacher sa Nagcarlan Laguna. Nagkita ang dalawa sa Bulacan. Mahigit isang oras din kaming nagkakwnetuhan habang nakapila. Palagay ko ay malayo ang maabot nitong si Carol na magbebertday sa December 18. =)

Hindi naman pala mahirap kumuha ng passport. Tama ang naging desisyon ko. Bukod sa nakatipid ako ng P 500.00 (P 1,000.00 ang bayad kung dadaan sa travel agency), nakakwnetuhan ko pa si Carol. At ang P 500.00 na natipid ko dadagdagan ko lang ng P 160 ay makakabili na ako ng 900 grams na PediaShure para kay Pia!

Sunday, December 05, 2004

Outer Limits sa Mediahub Cafe

May gig na inorganize ang Outer Limits sa Mediahub Cafe kagabi. Pitong indie bands ang nag-perform - Neruda, Paramita, Maryz Ark, Jolly Rogers, Placid, Spunky Idiots at Lysosome. Sulit na sulit ang P 100.00 entrance with 1 free beer, kaya halos mapuno ang Mediahub Cafe kagabi.

Ang kyut nung vocalist nung Placid, simple lang at ang ganda ng ngiti nya. Ang daming gusto makipagkilala kaya lang laging katabi yung BF(?). hehe! Mas ok siguro kung concentrate na lang sila sa reggae. Ok din yung Neruda, ang luffet ng drummer! Pero yun nga lang medyo naingayan yung iba. Isip-isip ko, eh di lalo na pala kung slapshock yung napakinggan nila. hehe! (Yung mga regular guests kasi sa Mediahub ay mas mahilig sa disco) Pero mas nag enjoy talaga ako sa MaryzArk, buhay na buhay yung set nila.

Next month iimbitahan ko ulit sila.

Saturday, December 04, 2004

Meralco Customer Service

UPDATE: Use Meralco Call Center to report Meralco service problems

May nag-apoy sa poste ng Merlaco na malapit sa inuupahan naming apartment kagabi. Gumapang ang apoy sa kawad na kuryente at lumikha ng usok. Bagay na ikinabahala ng misis ko at ng mga kapitbahay namain sa loob ng compound. Naapula naman agad ang apoy sa tulong ng fire extinguisher. Hindi naman nawalan ng kuryente pero nagpasya kamng lahat na i switch off ang mga kani-kaniyang mga fuse habang naghihintay sa mga taga Meralco.

First time kong tumawag sa Meralco Hotline (16211). Bago ko tuluyang makausap yung customer service representative nila ay nagtiyaga akong pakinggan yung patalastas nila na ni isang sentimo daw sa dagdag na singil sa kuryente ay walang mapupunta sa kanila (recorded message). Medyo may katagalan din bago ako may nakausap. Recorded daw yung usapan namin. Ikinuwento ko ang nangyari at binigyan ako ng service request number (12038). Tinanong ko kung anong oras darating yung titingin at kung anong oras ako pwede mag foloow up. 9 p.m. ako tumawag at sabi ko ay magpa follow up after 15 minutes na wala pa ring dumadating. Tumawag ulit ako bandang 10 p.m. at nang mga oras na iyon ay may nagbabaga pa rin sa may poste. Ito yung ilang bahagi ng usapan namin ni Roxanne (customer representative)

Roxanne: Sir, on the way na po sila, pakihintay na lang po
Ako: Alin po? Yung sunog o yung crew?
Roxanne: Pasensya na po Sir, medyo madami lang talagang trouble ngayon kasi may bagyo.

Hintay pa rin kami hanggang sa nagpasya na kaming matulog. Binuksan na lang namin yung ilaw kahit na medyo kinakabahan pa rin. Kinaumagahan, tumawag ulit kami. Parating na daw talaga. Ilang minuto lang ay nandyan na ang taga Meralco na kinakantyawan ng mga tambay sa amin. Para daw siyang pulis sa pelikula na laging huling dumadating.

At ngayong hapon, nagtext si misis, wala daw kuryente sa amin kasi di pa tapos yung ginagawa. Umalis daw yung taga Meralco at hanggang ngayon ay di pa bumabalik. Pati dialtone ng telepono namin ay nawala (di ko lang sure kung konektado yung sa ginagawa nya). Tumawag ulit ako.

Ako: Ma'm follow up ko lang po yung service request number 12038
Cust Rep: Sir, eto po ba yung itinawag ni Apolonio the Great sa Paranaque City?
Ako: Yes Ma'm
Cust Rep: May spark pa rin po ba?

Medyo nainis na ako sa tagpong ito kasi ang gara ng tanong sa akin eh. Kagabi pa nai-report yung nag-apoy sa poste tapos tatanungin nya kung may spark pa rin after almost 24 hours? Ok lang sya?

Ako: Hmmm.. Ma'm pa check na lang po ng records nyo
Cust Rep: Ok, sandali lang po Sir

After one minute..
Cust Rep: Sir, tenkyu for waiting
Ako: ok
Cust Rep: Sir napuntahan na daw po kahapon yan at ok na naman daw po
Ako: Mam, wala pong pumunta kagabi, kaninang umaga may pumunta. Walang kuryente sa amin ngayon at umalis na yung gumagawa. Babalik daw pero maggagabi na ay wala pa rin
Cust Rep: Ganun po ba? Babalik din po yun Sir
Ako: Anong oras kaya?
Cust Rep: Hindi ko lang po mai-commit pero we can follow up
Ako: Pls do that Mam. Thank you. sabay taas ng kilay ko

Marahil nga ay sadyang maraming troubles kagabi kaya di agad nakaresponde ang Meralco sa request namin. Pero kung tutuusin ay hindi iyon dahilan. Sabi nga nung tambay sa amin, sana raw kasimblis silang magresponde gaya ng pamumutol ng kanilang serbisyo sa mga di nakakabayad.

Friday, December 03, 2004

Propaganda sa gitna ng kalamidad

Sa gitna ng kalamidad na nangyari sa Quezon Province at sa iba pang bahagi ng Luzon, nakuha pa ring gamitin itong propaganda ng Gobyerno laban sa mga rebeldeng NPA. Kaagad ay isinisi ang nangyari sa mga NPA dahil daw sa sila ang protektor ng mga Illegal Loggers.
"I've been informed that the New People's Army has been heavily involved in illegal logging activities," Ms Arroyo said in a speech at the 14th general assembly of the League of Municipalities of the Philippines at the Manila Hotel.

"The insurgents should not be allowed to plunder our forests to raise funds to undermine our democracy. This is a matter of ecological balance as well as national security," Ms Arroyo said in her speech before the LMP, the association of the country's 1,495 municipal mayors. [Inq7.net]

At nauna rito, may mga sundalong tinambanagan at napatay sa Bulacan Province. Ang mga sundalong ito raw ay nasa nasabing lugar para sa rescue mission sa mga biktima ng bagyo.
Eight soldiers on a rescue mission for victims of tropical storm “Winnie” were ambushed Tuesday by suspected communist guerillas in San Ildefonso town, Bulacan province, a Philippine Army spokesperson said.

"The soldiers were on their way to conduct rescue mission when ambushed by the communist rebels. This act is condemnable," Army spokesman Major Bartolome Bacarro said. [Inq7.net]

Samantala, narito naman ang tugon ni Ka Roger sa mga akusasyong ito-
Meanwhile, communist rebel spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal pinned the blame on the government, which he said was allegedly “responsible for the destruction of our forests in the past years.”

“Logging, whether legal or illegal, exists because the government allows it from the environment department, the police, the military, and local government units,” Rosal said in a text message to INQ7.net when sought for his reaction on Arroyo’s statement.[Inq7.net]

Pinasinungalingan din ni Ka Roger ang sinasabing pananambang sa mga sundalong tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.
"The 56th IB was never part of a rescue and relief operation, as
MalacaƱang, the DND and the AFP claim," said Rosal. He pointed
out that the mountainous area between San Ildefonso and San
Rafael, where the firefight took place, is a long distance away
from the calamity areas.

"To put it plainly: the November 30 encounter happened because
troops belonging to the 56th IBPA has been pursuing the fighters
of the NPA-Eastern Bulacan. In defense, the NPA put up a fight,
turning the tables around and coming out victorious," Rosal
added. [imc-qc]

Hmmm... sino nga kaya ang nagsasabi ng totoo?

Basta ang alam ko, responsiblidad ng DENR na pangalagaan ang ating mga likas na yaman. hindi lang naman mga illegal loggers ang dapat sinisilip kasi may mga nabibigyan naman ng permits na hindi naman dapat. Walang iniwan ito don sa mga bulag na may driver's liscence. Hindi dapat nagbibigay ng permit ang DENR sa marcopper mga kompanyang obyus naman na nakakasira sa kalikasan. Sa totoo lang, di na kailangang lumayo pa ng gobyerno kung sino ang sisisihin, payag nga itong gahasain ng ibang bansa ang ating mga kabundukan sa pamamagitan ng Philippine Mining Act of 1995. Buwisit!

Madali para sa gobyerno ang isisi sa iba ang mga ganitong kalamidad. Natatawa na nga lang ako sa sinabi ni Major Cabuay-
"The illegal loggers are also in the mountains. They (CPP and NPA rebels) are collecting money from illegal loggers, otherwise the illegal loggers could not have survived," Major General Pedro Cabuay, the head of Solcom, told the Inquirer.

Sinasabi ba niya na walang kakayahan ang AFP laban sa NPA? Medyo nalalabuan ako dito. Papaanong magiging protektor ang NPA ng illegal loggers eh noong isang taon nga ay may napabalitang sinunog ng mga NPA yung isang truck ng mga illegal loggers na may mga kargang troso malapit sa Angat Dam? At isa pa, ilang buwan pa lang ang nakakaraan ay may isiniwalat ang ilang opisyal ng DENR hinggil sa mga pulis na diumano'y siyang protektor ng mga illegal logging sa Mindanao. Hindi malayong ganito din ang sitwasyon sa Quezon Province.
Jim Sampulna, director of the Department of Environment and Natural Resources-Central Mindanao, said that Geronimo Sequito, a Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO), reported that the policemen allegedly escorted the transport of hot lumbers in Lake Sebu town.

Sequito’s report identified one of the policemen as PO1 Loreto Malon. The latter's companion has remained unidentified but is believed to be also a policeman.

The two suspects, clad in civilian clothes and aboard a motorcycle, were reportedly escorting a truck loaded with 906 board feet of red lauan lumber valued at nearly P20,000 when Sequito and elements of the 27th Infantry Battalion Bravo Company headed by 2Lt. Eric Demaala intercepted them in sitio Siete, barangay Tasiman [mindanews.com]
.
Doon sa mga illegal loggers at mga protektor nito, magtae sana kayo ng tuloy-tuloy sa loob ng isang buwan nawa'y patahimikin kayo ng inyong konsyensya kung meron man kayo nito.

Wednesday, December 01, 2004

Saturday, November 27, 2004

Punta kaya akong Hacienda Luisita bukas?

Katatawag lang ng kaibigan ko. Papunta raw sila sa Hacienda Luisita bukas, tinatanong kung gusto ko raw sumama, balikan din daw. Mga taga Promotion of Church People's Response (PCPR) ang mga kasamang pupunta, at pinaiimbitahan nga daw ako nung kakilala kong taga PCPR-NCR. Tinanong ko kung anong oras ang balik ng Manila, sabi sa akin ay hindi raw magpapaabot ng dilim doon. Mahirap na, mabuti na daw yung nag-iingat. Bigla tuloy akong kinabahan. Isip-isip ko, may mga isnayper pa rin kaya don? hehe! Tapos ikinuwento nya sa akin yung tungkol sa isa sa mga namatay - yung may tama ng baril na isinampay lang sa bakod hanggang sa maubusan ng dugo at mamatay. Parang halimaw yung gumawa nun ah (kung totoo man yun)! Syempre, agit na agit ako. Kaya sabi ko, magreserba ng upuan para sa akin.

Kaya lang, pagkatapos namin mag-usap ay naalala kong Christmas Party nga pala namin mamayang gabi. Malamang ay umaga na ang uwi ko. 6 a.m ang usapan namin bukas. Hmmm...

Wednesday, November 24, 2004

Videoke

May nakakwentuhan akong German (tourist) na minsan ay naging guest namin sa Mediahub Cafe. Katabi ko sya sa bar at pareho kaming umiinom. Inalok ko siyang kumanta dahil nang mga oras na yun ay may mga nagbi-videoke pa. Hindi raw sya marunong kumanta. Tapos tinanong nya ako kung kumakanta daw ba ako. Sabi ko hindi rin. Medyo nagulat sya sa sagot ko at sabi pa nga nya, isa daw sa bawat dalawang Pilipino ay mahilig sa videoke. Hindi ko tiyak kung saan galing ang statistics nya pero mukhang reputasyon na yata talaga ng mga pinoy ang pagiging mahilig sa videoke/karaoke.

Mahilig din naman ako sa videoke. Hindi nga lang malakas ang loob ko. Nakakakanta lang ako pag nasa bahay. O kaya naman ay kung medyo marami na akong naiinom, yung tipong wala nang espasyo ang hiya. hehe! Marami akong naririnig na kumakanta pero ang sagwa naman pakinggan. Isip-isip ko na lang, buti pa ang mga yun at ang lalakas ng loob.

Pero kagabi medyo napasubo ako, kinantyawan kasi ako ni Marivic, regular guest, na kumanta naman daw ako. Pinagbigyan ko naman. Pero nung napansin kong halos lahat na sila ay nakikinig sa kanta ko, ipinasa ko na sa iba yung microphone. Inabot na ako ng hiya eh. Eto yung kinanta ko-

Ikaw lang ang mamahalin
Martin Nievera

Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras kailangan na maghiwalay
Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka, muling mahahagkan

Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin

Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka muling mahahagkan
Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin

Palagay ko ay nag-malfunction yung videoke kasi 96 ang score ko. hehe!

Tuesday, November 23, 2004

Damong Ligaw

Nagsisimula nang umusbong ang buhay
Sa mga punlang ibinaon mo sa hukay
Mahigit sampung taon mong diniligan,
Inalagaan at minsan pa'y dinadasalan.

Nagyo'y kailangan mong magdesisyon-
Hahayaan mo pa bang magpatuloy
Sa paglago ang isang damong ligaw
na minsan mo rin namang inalagaan?

Monday, November 22, 2004

Broke

Asteeg yung article ni Conrado de Quiros ngayon sa Inq7.net. Sabagay, madalas naman asteeg talaga magsulat itong mamang ito eh.
"HERE is a land in which a few are spectacularly rich while the masses remain abjectly poor. Gleaming suburbia clashes with the squalor of the slums. Here is a land consecrated to democracy but run by an entrenched plutocracy. Here, too, are a people whose ambitions run high, but whose fulfillment is low and mainly restricted to the self-perpetuating elite. Here is a land of privilege and rank-a republic dedicated to equality but mired in an archaic system of caste."

The one who said this was not Ka Paeng or Ka Pepe, it was Benigno "Ninoy" Aquino. He said this in an article in 1968 in the US journal Foreign Affairs. This was typical of what politicians and radicals alike were saying before martial law, particularly to warn that the country was a "social volcano" all set to explode. Aquino himself suggested the way by which the explosion might be averted: "The wealth that the oligarchy rapaciously covets and hoards must get down to the masses in the form of roads, bridges and schools; these are what the tao understands as good or bad government."

Doon sa nauna kong entry, naglalaro sa isip ko kung anu kaya ang magiging reaksyon ni Ninoy sa nangyaring Hacienda Luisita Violent DispersalMassacre. Tapos eto at sabi naman ni Conradoi de Quiros-
Ninoy Aquino might have been talking of today when he said: "Here is a land consecrated to democracy but run by an entrenched plutocracy. Here is a land of privilege and rank-a republic dedicated to equality but mired in an archaic system of caste."

Saturday, November 20, 2004

New Template

Sa wakas, napalitan ko na rin yung template ng blog ko. Medyo nahirapan ako kasi nangangapa lang talaga ako pag dating sa teknikal na aspeto ng paggawa ng webpages, blog template etc. Kaya eto at nanghiram na naman ako ng template sa ManileƱa ni Ate Sienna. Pangalawa na ito, una yung sa blog ni Sophia. Bisitahin nyo rin ang Manilena.com at baka may magustuhan kayong mga templates. Madami syang bagong labas na templates.

Salamat ulit ng marami Ate Sienna!

Wednesday, November 17, 2004

Hacienda Lusisita

Noong nasa college pa ako, hindi lang isang beses kong nasaksihan at naranasan ang karahasan ng mga pulis at mga goons na mistulang instrumento ng mga kapitalista sa pagsupil sa mga karapatan ng mga manggagawa. Isa sa mga hindi ko talaga malimutan ay noong minsang natulog kami doon sa piket line ng mga manggagawa ng East Ocean Chinese Restaurant sa baba ng Century Park Sheraton (Manila). Bahagi iyon ng programang Basic Masses Integration ng Student Christian Movement. Nagulantang na lang kami nang biglang may sumugod na mga goons sa lugar na aming tinutulugan. Hampas dito hampas doon, giniba yung piket ng mga manggagawa. Syempre nagtakbuhan kami, may mga bitibit na baril yung ibang nakapaligid sa amin. December 10 nang iyon ay mangyari. Internationl Human Rights Day. Walang pulis at security personnels Sheraton ang nagresponde.

Pero mas matindi itong nangyari sa Hacienda Luisita. Pati AFP ay katulong ng Cojuanco-Aquino sa pag dispersed sa mga manggagawa. Sabi nga ni Ka Paeng, mala Mendiola Massacre daw. Ang nagagawa nga naman ng salapi at kapangyarihan. Tsk!

Nakakatawa yung ginawang pagdepensa ni Peping Cojuanco Jr. sa hacienda Luisita. Na ang ilan daw sa mga sumama sa strike ay hindi naman daw mga manggagawa ng Hacienda Luisita. Na ang United Luisita Workers Union (UWLU)ay walang kinalaman sa trike

Cojuangco said he received a copy of a press statement from the United Luisita Workers Union (ULWU) yesterday morning saying that it was not the group that initiated the picket.

Ronaldo Alcantara of ULWU-Nacusip said negotiations to amend provisions of the collective bargaining agreement between Hacienda Luisita Inc. and ULWU-Nacusip were ongoing and there was no "deadlock."

Alcantara said in his statement that the small group of retrenched workers led by Rene Galang, a former official of ULWU-Nacusip, and Ric Ramos, president of Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU-NLU), were responsible for the recent incidents at the hacienda.[Inq7.net]

Yung mga katulad nitong si Alcantara ang anay na siyang nagpapahina sa kilusang paggawa eh. Imbes na suportahan yung mga tinanggal na mga kasamahang manggagawa eh mas pinili pang magpagamit sa mga Cojuanco. Kainis!

Ayon sa bulatlat.com, ang ULWU President mismo ay kasama sa mga tinanggal sa trabaho-
ULWU President Rene Galang said that they gave the following demands to the management: 1) that retired seasonal and permanent workers be replaced by their next of kin or by casual workers; 2) that daily wages be increased by P100 ($1.77, based on an exchange rate of P56.35 per US dollar) for permanent workers, P75 ($1.33) for seasonal workers and P60 ($1.06) for casual workers; 3) that laboratory and other hospital fees at the St. Martin de Porres Hospital inside the hacienda be waived as stated in the Stock Distribution Option (SDO) agreement; and 4) that additional benefits such as two-month Christmas and service bonuses be granted.

But the HLI management, represented by Tess Liwanag and three other lawyers, rejected the workers’ demands which resulted in a deadlock in the CBA negotiations. To add insult to injury, 327 permanent and seasonal workers were retrenched effective Oct. 1, including Galang and eight other union officers.[bulatlat.com]

Hindi malayong manaig ang kapangyarihan ng mga Cojuanco sa labang ito. Pero pansamantala lang yun. Pasasaan ba at mababaligtad din ang tatsulok!

Naisip ko lang, kung buhay pa kaya si Ninoy, ano kaya magiging paninindigan nya sa isyung ito?

Traffic Sign

Ito yung traffic sign na paksa kanina sa "I saw the Sign" segment ng Unang Hirit, morning show ng GMA7. Sa segment na ito, nagtatanong si Love AƱover sa mga drivers kung alam nila yung traffic sign na ipinapakita nya at ang nakakasagot ay binibigyan nya ng premyo. Sa dalawang drivers na natanong kanina, isa lang ang nakasagot. Nagkataong may nakasalubong ni Love yung isang MMDA traffic enforcer kaya tinanong nya na rin ito. Di rin alam ng mamang traffic enforcer ang sagot!

Oo na, alam ko, di na ito bago para ikagulat pa. Nakakainis lang kasi yung ibang mga traffic enforcers na gaya nung mamang yun eh. Wala syang karapatang mangotong magpatupad ng batas kung simpleng mga traffic signs lang ay di nya alam.

Sa totoo lang, di ko rin naman alam yung sign na yun eh. Pero ngayon alam ko na. hehe!

Ano kaya masasabi dito ni Bayani Fernando?

Saturday, November 13, 2004

PediaSure at Heraclene para kay Pia

Dinala naman si Pia sa Pedia nya kahapon. Inuubo kasi sya at 2 days nang may lagnat (Pero wala na naman syang lagnat ngayon.) Schedule nya na rin sana ng MMR Vaccine nya pero di itinuloy kasi nga daw ay may sinat sya, kaya sa isang linggo na lang sya mababakunahan. Iniisip ko na may primary complex si Pia kaya tinanong ko ang pedia nya tungkol dito. Hindi pa raw conlusive yung mga senyales na nakikita kay Pia. Konting obserbasyon pa raw. Sana naman ay wala.

Payat pa rin si Pia at kulang na kulang sa timbang. 7.7kg pa lang sya samantalang 1 yr and 3 months old na sya. Dapat daw at least ay 10kg na sya. Mahina kasi kumain. Papalit-palit na kami ng vitamins nya pati gatas, ganun pa rin.

Niresetahan sya ng heraclene. Hanggat maari daw kasi ay ayaw syang ireseta ng pedia nya kasi daw hindi naman ito vitamin. Gamot daw ito na kalimitang iniinom ng mga body builders. Ihahalo raw sa gatas yung pulbos na nasa loob ng capsule. Magigign magana na raw syang kumain. Sa loob daw ng dalawang linngo ay malamang na may pagbabago na. Sana nga. Balak naming palitan ulit yung gatas nya mula sa Promil papuntang PediaSure kahit na halos doble yung presyo. Bahala na kung sagad sagad na ang budget. Desperado na kasi akong patabain si Pia. Tuwang-tuwa na naman sa akin nito ang Mercury Drug.

Sa isang banda naman, payat nga sya pero masiglahin naman sya at mukhang bibo katulad ko. Kahapon nga sa clinic ng pedia nya, nung nakita nya yung rebulto ng Sto NiƱo agad syang nag-antanda (sign of the cross). Medyo shortcut nga lang. hehe! Kahit nga may lagnat laro pa rin ng laro. Marami na rin syang nabibigkas na salita - dadi, mama, nanay, tita, ayaw (madals sabihin kapag pinapakain), bye bye, atbp. Marunong na rin syang mag otso-otso, tinuruan ng kanyang yaya. Tuwing dadating ako galing opisina at naabutan ko pa syang gising, sisigaw agad sya ng "dadi" at magmamano at magpapabuhat agad sa akin. Kahit gaano ako kapagod, talagang tanggal lahat yun lalo na kapag sinabayan pa nya ng kiss!

UPDATE October 18, 2016: Mga mommies, hindi solusyon ang heraclene sa batang pihikan kumain. Ang susi ay TIYAGA.  Iwasan ang shortcut. Try nyo po. ;-)

Wednesday, November 10, 2004

Luffet ni Kongreswoman!

Tingnan mo nga nama kung gaano kalaki ang ulo kayabang kaimpluwensya ang isang kongresman. Yun ay kung totoo yung report sa INQ7.net kahapon-
THE CHIEF of the police Traffic Management Group (TMG) is in danger of being relieved from his post after having a run-in with the brother of a representative.

Chief Superintendent Danilo Mangila told INQ7.net that the legislator warned Philippine National Police (PNP) Director General Edgar Aglipay that the PNP budget for 2005 would not be approved unless Mangila was removed from the TMG.

Nagtataka lang ako kasi sa report kahapon sabi ni Mangila, tinanggihan nya raw yung offer:
Mangila said he was offered a post at the Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AID-SOTF) and at the PNP logistics department but he refused.

"They should give me a post that is commensurate to my current position," Mangila said.

Pero kanina naman sa abs-cbnnews.com, welkam daw sa kanya kung anuman ang desisyon ni Aglipay:
Mangila, however, said in a DZMM interview that he has yet to receive the official order for his relief, adding that he welcomes any decision of PNP chief Edgardo Aglipay.

Aling report kaya ang paniniwalaan ko? Tsk! Ba't biglang nagbago stand ni Mangila? hmmmm...

Paano kung Pilipinas naman ang isunod sa Iraq?

Habang nag-aalmusal kanina ay sabay akong nanonood ng balita sa CNN Channel. Napanood ko yung video footage ng mga sundalong kano na pumasok sa Falluja, na sinasabing sentrong base ng mga rebeldeng Iraqi.

Naisip kong bigla, paano kaya kung sa Pinas naman ito gawin ng US? Halimbawang dahil sa patuloy na paglala ng krisis ay lumakas ang kilusang protesta, dumami ang nag-armas at naging madalas ang mga sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at afp? Bagay na maaaring gawing tuntungan ng US para manghimasok sa bansa. O kahit na walang ganitong sitwasyon. Pwede namang mag-imbento lang ang US ng kung anu-ano gaya ng ginawa nito sa Iraq. Halos pulbos na ang Iraq eh wala pa rin yung sinasabi nilang WMD's.

Kinilabutan ako. Na-imagine ko kasi yung mga air strikes ng pwersang kano sa Iraq. Halos pulbusin na ang Iraq. Pero sa isang banda ay naglalaro sa isip ko yung sinabi ni Mao yata yun na tao raw ang mapagpasya at hindi ang armas.

Kanina ko pa iniisip, ano kaya gagawin ko sakaling dumating ang sitwasyong ito? Hindi ko pa rin tiiyak kung ano ang detalyadong gagawin ko. Pero ang natitiyak ko, di ako lalabas ng bansa kahit na may pagkakataon ako. Natitiyak ko rin na tutulong ako sa pagtataboy sa mga kano sa paraang hinihingi ng sitwasyon.

Monday, November 08, 2004

Bakit ka gumagawa ng mabuting bagay?

Sabi ng pari kahapon sa kanyang homily- kailangan nating gumawa ng mabuti para mapunta tayo sa langit, dahil ito ang magiging batayan ng hatol sa kabilang buhay- or something to that effect.

Hindi iyon ang ituturo ko kay Pia. Ito ang ituturo ko sa kanya:

Gumawa ka ng mabuti at huwag kang manlalamang sa kapwa, dahil iyon ang dapat bilang isang tao, bilang Kristiyano.

Free Oranges

An officemate, Nicole, forwarded an email. Nakakatawa, tanggal ang antok ko-
Lulu was a prostitute, but she didn't want her grandma to know. One day, the police raided a whole group of prostitutes at a sex party in a hotel, and Lulu was among them.

The police took them outside and had all the prostitutes line up along the driveway when suddenly, Lulu's grandma came by and saw her granddaughter. Grandma asked, "Why are you standing in line here, dear?"

Not willing to let her grandmother know the truth, Lulu told her grandmother that the policemen were passing out free oranges and she was just lining up for some.

"Why, that's awfully nice of them. I think I'll get some for myself," Grandma said, and she proceeded to the back of the line.

A policeman was going down the line asking for information from all of the prostitutes. When he got to Grandma, he was bewildered and exclaimed, "Wow, still going at it at your age? How do you do it?"

Grandma replied, "Oh, it's easy, dear. I just take my dentures out, rip the skin back and suck them dry."

The policeman fainted!

Thursday, November 04, 2004

Unsolicited Email

Natawa ako kanina sa natanggap kong email mula sa isang consulting firm para sa Candian immigrant visa application. "you may be qualified to immigrate to Canada!" ang subject ng email nya. Siguro matatawa rin yung nag-email sa akin kung malalaman nyang connected ako sa Canadian Immigration Consultancy. Sumagot na lang ako sa email nya, tinanong ko kung pano nya nakuha email address ko. Eto sagot nya:
Hello There!

I got your email address thru yahoo search engine under alumni association....this is part of our email campaign marketing for professionals like you....if you want to apply just visit our website at ...

Hindi pa ako sumasagot ulit sa email nya, iniisip ko pa kung ano sasabihin ko. Parang gusto ko kasing asarin yung ale eh =)

Wednesday, October 27, 2004

108 vintage bombs, nahukay sa Batangas

Kagigising ko lang kaninang umaga nang ikwento sa akin ni misis na ibinalita raw sa Magandang Umaga News Patrol yung mga vintage bombs na nahukay sa lugar namin, sa Cuenca Batangas. Ang daming bomba daw. Nag-isip ako kagad kung saan kaya yun? Nanghinayang ako kasi hindi ko napanood. Hindi ko tuloy nakita kung sino-sino yung mga nakiusyoso. Sana ipalabas ulit mamayang gabi. Ang babaw ba? hehe!

Eh kasi naman, bihirang-bihira lumabas sa balita ang bayan namin. Madalas ay tuwing mahal na araw lamang sya mapapanood sa TV dahil don sa grotto sa Mt. Makulot. May isa pang kakaibang lugar sa bayan namin, yung 1,500 steps na kung saan ay isang maliit na baranggay ang nasa dulo. Tuwing may bisita ako sa batangas na galing sa ibang lugar di lagi ko silang ipinapasyal doon. Maganda ang tanawin at pwedeng mamangka papuntang Taal Volcano. Teka lang lumalayo ako.

At dahil nga medyo nanghinayang ako dahil di ko napanood yung balita, naghanap ako ng mga balita tungkol dito. May nakita ako sa Inq7.net - 108 World War 2 Bombs Unearthed in Batangas!

Ang dami pala talaga! Buti na lang di sumabog.

Monday, October 25, 2004

Naks! May links na sila!

Natawa talaga ako habang binabasa ko kanina yung column ni Ms. Sylvia Mayuga: A Haunting Website. ..Oooops! Hindi dahil don sa paksa nya, kundi dahil don sa dami ng mga links palabas ng INQ7.net! Akala ko nga namamalikmata lang ako eh. =)

Natawa ako kasi hindi ko maintindihan kung ano yung problema ng INQ7.net sa paggawa ng mga links. Kung di nyo ako masundan, basahin nyo yung previous column nya: A Blog or Not a Blog: Is that the Question? May nakikta ba kayo kahit isang link palabas ng INQ7.net? Wala, di ba?

Bakit kaya may links na yung article nya ngayon palabas ng INQ7.net? May naisip akong sagot:

1. Baka nagising na ang INQ7.net dahil sa reaksyon ng mga pinoy bloggers!? Yehey! =)

2. Gumagawa lang sila ng links palabas kapag hindi papuntang pinoy bloggers? hehe

Update 4:06 pm
Hindi na kulay asul yung mga texts na dating may links. Wala na rin yung mga links. Ano kaya ang nangyari? hmmmm....

Thursday, October 21, 2004

The Making of Sophia the Great

Dahil sa comment ni Ser Gari don sa previous entry ko, naisipan kong i-update yung blog na ginawa ko para kay Sophia. Matagal na yung blog nya pero di ko lang maasikaso yung pag-update. Isa syang photoblog na magsisilbing parang kwentoo na rin ng buhay nya mula pa nung nasa sinapupunan pa sya ng kanyang Ina at inaasahan kong ipagpapatuloy nya ito kapag marunong na syang mag-blog. Hindi pa ako tapos sa pag-update pero ilalabas ko na rin sya at bakasakaling makakuha ako ng suggestions mula sa napakaraming tatlong readers ng blog ko.

At para kakaiba yung introduction ko sa blog nya, medyo hihiramin ko lang yung lyrics ng Astro na isang kakaaliw na kanta ng Radioactive Sago:

Swabe at mabango
wag nang magatubili
tingnan nyo na ito
eto na ang totoo
eto na ang totoo

eto na ang
The Making of Sophia the Great

Syempre walang picture yung actual making ni Sophia. Magsisimula yung picture nya nung ipinagbubuntis pa lang sya ng kanyang Ina. Yun nga lang, di ko pa nai-scan yung ultrasound nya nung 1 1/2 na buwan pa lang syang ipinagbubuntis. Muntik na sya noong mawala, malakas lang talaga siguro ang kamandag ko kaya nabuhay pa rin sya. =)

Update (5:26pm)
Bago na yung layout ng blog ni Pia. Salamat sa ManileƱa ni Ate Sienna =)

Wednesday, October 20, 2004

Forget it not

Hinid ko ito makakalimutan: October 20, 2004, Wednesday, 7:36 pm

****


You'll be gone. I know you won't do it if you're not sure. And it's pretty obvious you're happy with what is about to happen. In fact, I can feel your excitement when you told me about it. Well, good luck! And thanks for at least letting me know. Iba ka talaga!

Monday, October 18, 2004

Turuan ko kaya si Pia Babe mag-blog?

Parang kelan lang, iniip na inip na ako kasi nga hindi pa rin nakakalakad nang mag-isa si Sophia, at ni hindi pa man lang tinutubuan ng ngipin. Ngayon naman ay halos mainis na ako sa kakulitan niya. Malingat lang ako ng konti, nandon na kagad sa hagdan, paakyat. hehe! may dalawa na rin siyang ngipin. :) Yun nga lang, medyo payat pa rin kasi ang tamad kumain. Masyadong pihikan pero wala pa namang tinatanggihang pagkain na ako ang nagluto. Naks!

Minsan makikita mo na lang na pinaglalaruan ang telepono sa bahay na para bang may kausap talaga, may patangu-tangu pa! hehe! Madali kasi siyang turuan eh. Minsan nga balak ko na ring ituro sa kanya kung alin ang blog at ang hindi blog. Para kahit paano kapag may pilit na mambaluktot ng kahulugan ng blog, sagutin nya na lang ito ng blog mo muka mo! hehe! Kaya lang hihintayin ko na muna syang maging matured (hindi tumanda) para siguradong maintindihan nya ang mga ito. Ituturo ko rin sa kanya na walang masama sa pagtanggap ng pagkakamali (dito kailangan ang maturity). Ang nakakahiya ay yung halos lahat na nang nasa paligid mo ay nagsasabing mali ka, eh pilit ka pa ring magpapalusot. Masama 'yon. At kapag gumagawa ka nang masama, sasabihin ko sa kanya, lagot ka dahil ayan na ang pusa kukunin ka! At syempre, tuturuan ko rin siyang maging astig! hehe!

Sunday, October 17, 2004

Ang luffet ng ASIN!

Wala pa rin talagang kupas ang grupong ASIN! Sa kauna-unahang pagkakataon ay napuno ang Mediahub CafƩ kagabi nang magkaroon sila ng special show dito. Halos wala nang madaanan ang mga waiters sa dami ng tao, maraming mga pumasok kahit naktayo na lang. May mga gusto pa rin sanang pumasok pero di na talaga kasya. Ang lufffet!

Kakatuwa nga yung feedback ng mga guests. Gawin ko na raw regular ang pagtugtog ng ASIN. Yung iba naman ay may mungkahi na grupo naman ni Sampaguita naman ang sunod na imbitahin. hehe! Kahit na biglang nawalan ng kuryente sa kalagitnaan ng isa nilang kanta, hindi naman ito naging problema kasi yung mga guests na rin mismo ang nagtuloy sa pagkanta. hindi naman nagtagal ay nagkaroon ulit ng kuryente.

Malinaw na may market pa rin ang ASIN dito sa ParaƱaque City. Balak ko nga sanang gawing regular ang pagtugtog ng ASIN tuwing Sabado, pero yun nga lang hindi na pwede kasi fully booked na daw sila hanggang December. Basta ang sigurado, babalik at babalik ang ASIN sa Mediahub CafƩ! At bukod pa dito, maaaring isunod ko naman ang grupo ni Sampaguita. At dahil sa mainit na pagtanggap sa ASIN kagabi, medyo malakas na ang loob ko ngayong imbitahan ang iba pang mga paborito kong musikero!

Ser Gari, salamat sa picture ;)

Friday, October 15, 2004

Twisted Halo vs VIVA Productions, Inc.

Minsan nang tumugtog ang Twisted Halo sa Mediahub Cafe pero mukhang ako at yung mga barkada ko lang yung nag-enjoy. hehe! Karamihan kasi ng mga parokyano ng Mediahub Cafe ay hindi mahilig sa rock music. Ang nangyari pa nga ay inulan sila ng mga requests for cover songs. hehe!

Sa mga kanta ng Twisted Halo, pinakagusto ko yung Breakable. Ang sarap pakinggan. May isa silang kanta na ang title ay BRAD. Ginamit ito sa pelikulang DOS EKIS nang walang paalam sa Twisted Halo. Hindi ito pinalampas ng mga Halo's. Sabi nga ni Vin (band leader), "we will not take this sitting down!" astig!

At ngayon nga ay may resulta na ang kanilang laban sa isang higante ng music industry. Kung may kopya kayo ng October 15, 2004 isyu ng Philipinne Daily Inquirer, makikita nyo sa Calassifieds Section, B13 ang 1/4 page na public apology ng VIVA Productions sa Twisted Halo. Ganito yung nakasulat-
VIVA PRODUCTIONS, INC.
apologizes to the members of the
band TWISTED HALO for
having used their song BRAD in
the movie DOS EKIS, wihtout
their knowledge and consent. We
regret that this unfortunate incident
occurred. We continue to
recognize, affirm, and respect
musician's intellectual property
rights over their songs. This will
never happen again.

VIVA PRODUCTIONS, INC.
By
Vincent G. del Rosario
Executive Vice-President

Congrats sa Twisted Halo! Mabuhay ang mga Pilipinong Musikero!

Wednesday, October 13, 2004

korapsyon sa hanay ng mga militar

Yan yung isa sa mga pangunahing adyenda ng Magdalo Group ng magdaos sila ng isang madramang press conference sa oakwood hotel sa makati noong nakaraang hulyo 2003. Bago pa nga sinimulan yung press conference na iyon ay tinaniman muna nila ng bomba yung paligid ng oakwood. pero matapos ang madramang press conference at ang pagpapapogi ng ilang pulitiko ay sumuko din naman. nakulong sila at matapos ang mahigit isang taon ay humingi ng paumanhin sa asawa ni jose pidal kay GMA. sabi pa nga nila:
"As a result of our actions at Oakwood, we have damaged the AFP as an institution. To this, we are attesting [to] the fact that the AFP is still very much capable of protecting the people and fighting the enemies of the state. We also have overstated the extent of corruption in the AFP and hereby acknowledge that there were indeed efforts to eradicate this problem even prior to the Oakwood incident."

Hindi man ako sang-ayon sa pamamaraan nila, pero naniniwala ako sa isiniwalat nilang korapsyon sa AFP. Hindi na rin naman kasi ito bago. Hindi ko alam kung bakit binawi nila ang kanilang mga sinabi tungkol sa korapsyon sa AFP, pero ano kaya ang masasabi ng magdalo boys ngayon sa kaso ni Gen. Garcia? Hmmm...

Saturday, October 09, 2004

ASIN live @ Mediahub Cafe!

ASIN LIVE @ MEdiahub Cafe!Bagama't matagal ko nang naririnig ang mga awitin ng ASIN, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila napapanood kumanta ng LIVE. Isang beses ko pa lang din napapanood si Lolita Carbon na kumanta ng live at sa ibabaw pa iyon ng truck na ginawang entablado noong labor day rally ilang taon na ang nakakaraan. Madami nang nangyari sa grupong ASIN, nawala nang mahabang panahon at ngayon ay muling nagbabalik dala ang himig ng pag-ibig, pagbabago at pagpapatuloy. Inimbita ko sila para sa isang special show sa Mediahub Cafe na gaganapin sa darating na Sabado, Oct 16. Sa wakas ay mapapanood ko na rin sila!

At siyempre pa, inaasahan ko na yung mga kasama ko noong college ay pupunta sa Sabado. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita-kita. Karamihan sa mga barkada ko noong collge ay mga kapwa ko aktibista na mahilig sa mga awiting tulad ng sa ASIN. Karamihan sa amin ay mga empleyado na ring tulad ko, yung ilan naman ay mga full time organizers sa mga community at pagawaan at yung iba naman ay wala na akong balita.

Pero kung mayroong mga natutuwa dahil tutugtog ang ASIN sa mediahub cafe, mayroon din namang mga nagtataka kung bakit sa lahat naman ng mga banda ay ASIN pa ang kinuha ko. Marami sa mga kasama ko sa opis ang nag-iisip na hindi raw tatauhin yung concert ng ASIN. Sabi naman ng ilan ay puro matatanda lang daw ang pupunta. Kinabahan din ako sa totoo lang kasi yung crowd na pumupunta sa mediahub ay mga yuppies na mahilig sa RnB at Disco.

Pero bakit nga ba ASIN? Bakit hindi?

Tuesday, October 05, 2004

Solusyon?

Saan nga kaya patungo ang Pilipinas kong mahal? Halos araw-araw ay laman ng pahayagan ang tungkol sa dinaranas na krisis pampinansyal ng bansa. Madami na rin ang nagugutom. Pano nga kaya ito malulunasan?

Kung ang boss ko dati ang tatanungin, walang ibang solusyon sa mga problemang ito kungdi ang mag-migrate sa Canada. Sa totoo lang lalong dumarami ang mga aplikante ngayon para sa canadian immigrant visa. Pero syempre ang may ganitong options lang ay yung mga may sapat na ipon pambayad sa mga processing fee sa embassy at sa mga consulting firms. Pede rin ito sa mga may lakas ng loob mangutang o gumawa ng ibang paraan para may panggastos para dito.

Kung si Joma Sison naman ang tatanungin, may apat syang posibleng solusyon:

1. Let us consider electoral struggle. It is possible to put into executive and legislative offices some good men and women.

2. Let us consider the GRP-NDFP peace negotiations. The NDFP can clarify and ventilate the reforms that need to be adopted and implemented.

3. Let us consider how a broad united front can replace the Arroyo regime. It is possible for a people's uprising to occur as it did in 1986 and 2001 in order to remove the incumbent ruling clique from power, and to install a new government that is patriotic and progressive, enjoying the support of the broad masses of the people and a broad range of forces bound by a program of reforms similar to those envisioned by the Movement for the Advancement of Nationalism in 1966. I think that the NDFP would be open to such a possibility.

4. Let us consider the new democratic revolution through people's war. It has been going on since 1969. It aims at the armed seizure of political power in order to carry out the all-round social revolution of the working people and the middle social strata. It is the people's ever available and effective method for achieving optimal results.

Hindi imposibleng lumakas ang kilusang protesta bunga ng krisis na kinalalagyan ng bayang pinas ngayon. Lalo pa nga't kasabay din nito ang pagkabunyag sa mga GOCC's na ginagawang gatasan ng mga "pinagpala".

Tsk! Anong meron tayo sa hinaharap? Ang mga may pera papuntang Canada. Ang mga nagugtom, magrerebolusyon!

Friday, October 01, 2004

Ang dakila kong Inay

Birthday ngayon ng Inay. Nandon siya ngayon sa Batangas, balak ko sanang umuwi kaya lang dami talagang trabaho na di ko maiwanan.

Sabi nila Mama's Boy daw ako. Pano kayang di magkakaganon ay 9 na taong gulang pa lang ako ng kunin ni Lord ang Tatay ko. Pero talagang belib talaga ako sa Inay. Labing siyam na taon na ang nakakaraan, pakiramdam ko ay katapusan na ng mundo para sa amin. Sa murang edad ko noon ay iniisip ko na kung papaano kami makakaraos, matapos pumanaw ang Tatay: Walang ipon, walang sariling bahay at walang trabaho ang Inay. Grade 6 pa lang ang Ate ko, ako naman ay Grade 3 at yung bunso namin 5 taong gulang pa lang. Grabe yung mga pinagdaanan naming lahat bago kami mga nakatapos sa college. Minsan nga pag nagakakakwnetuhan kami ng Inay, sinasabi ko sa kanya na yung kwento ng buhay namin ay pang Maala-ala mo kaya. Magkakatawanan na lang kami.

Kaya naman wala akong hinangad kundi mabigyang kasiyahan ang Inay. Matagal ko nang planong ipasyal ang Inay na tipong out of town vacation o di kaya ay kahit 3 days man lang sa Hong Kong. Pero bigo pa rin ako ngayong taong ito. Sana talaga next year ay magawa ko na yun. Hanggang blog entry na lang muna ako ngayon. hehe!

Happy Birtday Inay!

Sunday, September 12, 2004

My Cupcake

Nasa Pangasinan nagyon ang mag-ina ko kasama yung yaya. May mga aasikasuhin doon si misis kaya magbabakasyon sila ng isang linggo doon. Ibig sabihin, isang linggo ko ring hindi makakalaro si Sophia ko. :(

Hindi ako dalawin ng antok kaya eto at gising pa ako. Kani-kanina ay ka chat ko ang cupcake ko. Ang dami naming napagkwentuhan. Syempre tawa na naman ako ng tawa. Ibang klase kasi talaga chemistry naming dalawa eh. Eto nga yung testimonial nya sa friendster ko:
Si Apol, Cupcake ko yan!! Ewan ko ba
bakit kami naging close... hmmmm
siguro kasi iisa ang wavelength ng utak
namin lalo na pagdating sa kalokohan.
Kahit napakaliit na bagay nagagawan
namin ng kwento para lang maging
nakakatawa. Minsan magkatinginan
lang kami nagtatawanan na kami, yon
pala iisa ang iniisip namin. Pag wala
kaming magawa napagtitripan namin
ang mga tao sa paligid namin (reader,
baka isa ka na don ehhehehhe) lalo na
pag nasa canteen kami. Sabi ko nga
baka kapatid ko sya sa past life
ko...take note, iisa ang pangalan ng
mga nanay namin, SALVACION, at
peroho pang galing Bicol! Eto pa
matindi!! Sa sobrang close namin
minsan natawag nyang cupcake ang
asawa nya!!! nyahahahahahah
Cupcake na nga rin ang tawag sa kin ni
Zetsu eh. Pero bakit nga ba di tayo
nalink? Lagi naman tayong magkasama
nong officemates pa tayo di ba? Alam
ko na!!! Siguro...SUPER GANDA KO at
imposibleng magkagusto ako sa yo!!!

Have a happy life. LAB UUUUUU!

Mukhang ok na ok na yung negosyo nya at balak pa nyang magtayo ng internet cafe na pede nya ring magamit na traing area para sa mga kliyente nya. Goodluck cupcake!

Thursday, September 09, 2004

May sipon na naman ako...

Sinisipon ako. Nakakainis! Hindi ko tuloy masyadong malapitan si Sophia at baka mahawa pa. Mahirap na. Nakakaawa kasi sya pag may sipon, parang hirap na hirap huminga at di makatulog ng mahimbing. Sana mawala na itong sipon ko kagad at nang mayakap ko na nang mahigpit ang aking Sophia!

At dapat din ay wala na akong sipon bago mag Sabado para nasa kondisyon ako. May big event kasi sa Mediahub Cafe at syempre kailangang nandoon ako dahil ako yung nag-organize ng event na yun. Sa wakas ay mapapanood ko na rin yung Cambio at Twsited Halo ng live! Eto gusto ko sa bago kong trabaho eh, enjoy na enjoy ako. Next project ko naman ay concert ng ASIN dito pa rin sa Mediahub. Sana ay matuloy...

Saturday, September 04, 2004

Eddie Gil

Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ng perosnal si Eddie Gil kahapon sa Mediahub Cafe. Sayang nga lang at di ako nakapagpakuha ng litrato na kasama sya. photo ops baga. hehe!

Nakakaaliw pala talaga syang kausap. Kung pano sya sumagot sa mga interviews sa TV, ganung-ganun din sya sa aming pag-uusap. Malapit na raw ipalabas yung pelikula nya, sa October daw. Sabi ko sa kanya di ko na masyado naririnig sa radyo yung "hit" nyang kanta. Ganun din daw siya. Kinumusta ko rin kung ok bang manager si Oggie. Ok naman daw. Sabay tanong nya sa akin kung dati rin daw ba akong taga showbiz. hehe! Sabi ko naman, hindi po sir, mahilig lang sa showbiz. hehe. Tinanong ko sya kung bati na sila ni Bro. Eddie Villanueva. Malabo raw mangyari yun dahil sa tindi ng ginawa sa kanya. Bago kami maghiwalay ay binigyan nya ako ng membership cards nila na ang katumbas daw ay P 300,000.00 insurance benefits. Ipamigay ko raw sa mga kakilala ko. Sino may gusto?

Baka magkita ulit kami next week kapag natuloy yung birthday party ni Ms. Elizabeth Samson, yung VP ng Isang Bansa Isang Diwa Foundation sa THE VENUE. May ipapatanong ba kayo?

UPDATE (9/6/04): Hindi matutuloy sa THE VENUE yung birtday party, 2,000 daw kasi yung expected guests nila, di kasya sa THE Venue na 300 lang ang capacity. Mabuti na lang! Sayang!

Thursday, August 26, 2004

Malungkot ako dahil..

Kahapon, nakatanggap ako ng balita mula sa isang schoolmate:

One of the graduating students from SMS-Sta. Mesa met an accident.

Ms. Marivic Hernandez, (supppose to be 16th Batch) was a victim of hit & run upon reporting for work to Fujitsu Computers. All graduates are requested to pray for her soul and her family, that they may face this tragedy with faith and courage.

Pray also for the culprit, that justice will prevail upon his/her heart.

Ms. Hernandez is from Cagayan Valley. Her remains need to be brought to her home province. Financial assistance will be greatly appreciated.

All graduates who are willing to help can contact the Sisters of Mary-Sta. Mesa Office at 716-0178. Look for Ms. Sherlyn Comia of the Supervisor's Office.


Tapos isang email naman ang natanggap ko kanina galing ulit sa isang schoolmate:

Father Uruttia passed away today. Starting tomorrow ,there will be an 8 pm mass for him at the Loyola House in Ateneo. Burial will be on Sunday August 29 after the
2:30 pm mass at the Saced Heart Novaliches. Please pray for our dear father.


Pareho silang may kaugnayan sa Sisters of Mary School, na itinatag ni Fr. Aloysious Schwartz. Hindi ko personal na kilala si Marivic, 4th batch graduate ako, samantalang siya naman ay 16th batch. Pero damang-dama ko ang lungkot lalo pa nga't alam kong umaasa ng malaki ang kanyang mga magulang sa kanya.

Si Fr. Urutia naman ay 4 na taon ko ring nakasama sa school. Siay ang laging nagmimisa kapag nasa ibang bansa si Fr. Al. Sa kanya rin ako malimit mangumpisal noon. Nakakalungkot.

Noong isang araw naman, nawala na naman yung celfon ko. Actually hindi sa aki yun, hiniram ko lang kay misis kasi nga nawala yung sa akin. Pang-anim na clefon ko na yon na nawawala. Malas talaga ako sa celfon!

Friday, August 20, 2004

The Serenity Prayer

God grant me the serenity
to accept the things I cannot change;
courage to change the things I can;
and wisdom to know the difference.

Elaine, salamat ulit ;)

Thursday, August 12, 2004

Cheer up!


Buti na lang talaga at dumating sa buhay ko si Sophia...



Wednesday, August 11, 2004

Muni-muni...

Nitong mga nakaraang araw, parang gusto kong pigilan ang pag-ikot ng mundo. Ang daming problemang dumating at marami pang parating. Mga problemang dulot ng mga maling desisyon na aking nagawa noon. Ang bigat ng katawan ko tuwing umaga at tamad na tamad pumasok. Pag nasa opisina naman, pilit akong nagpapakaabala sa trabaho, paraan para malimutan ang mga problema. Hinihintay ko na lang na sumapit ang gabi para makatulog. Pero napagtanto ko na walang mangyayari kung patuloy ko itong tatakasan. Panahon na para harapin ko ang mga ito.

May mga bagay na iniisip nating mabuti para sa atin, pero anumang pilit nating gawin ay hindi naman nangyayari. May mga bagay naman na hindi man natin nais na mangyari sa atin ay kusa namang dumarating. Pero anuman ang naghihintay sa dako pa roon, patuloy pa rin ang aking paglalakbay...

Thursday, July 29, 2004

Isang taon na si Sophia...

Bertday nya ngayon, pero kaninang umaga ay dinala ko sya sa pedia nya dahil dalawang araw na syang may sipon, inuubo at pabalik balik ang lagnat.  At ayun nga, medyo may plema sya at may naririnig na di kanais-nais sa kanyang paghinga.  Hindi pa masabi ng Padia nya kung may hika nga o may primary complex.  Oobsebahan daw muna.  Matutuwa na naman ang mercury drug nito sa akin mamaya...

Payat si Pia at mababa ang kanyang timbang.  Sa edad nya dapat daw ay at least mga 10kg na sya, pero 7.1 kg lang sya nung tinimbang kanina.  Magana naman sya kumain, may vitamins at malakas naman uminom ng gatas.  Suspetsa ng pedia, baka raw may bulate.  Tinanong ako kung wala raw ba akong napapansin sa kanyang dumi. Sabi ko, di ko po kayo masagot dyan kasi hindi ako incharge dyan eh. hehe! Mag-isa ko lang kasing dinala si Pia sa clinic.  Tsaka na lang daw ipa eksamin ang kanyang dumi kapag nakarekober na sya sa ubo at sipon. pag nagkataon, purgahan ang kasunod nito...

Halos ngayon pa lang sya nag-uumpisang tubuan ng ngipin, medyo namamaga na yung gilagid nya. Medyo nag-uumpisa pa lang siyang lumakad ng walang hawak.  Naiiip na ako...

Pero ang nakakatuwa, ang bilis nyang makatanda ng mga bagay-bagay lalo na yung mga patalstas sa TV. Bat kaya ganun yung mga bata, kung kelang patalastas tsaka naman sila tutok na tutok sa TV? hehe.  Kilala nya na si Pooh, Tweety at Mickey. Alam nya na rin na walang maaashan sa susunod na nim na taon sa tambalang GMA at Noli.  Paborito nyang channel ang MYX, subukan mong ilipat at papalahaw ng iyak.  Minsan sumasabay sya sa kanta at marinig lang ang bulaklak ay itataas agad ang dalawang kamay at sasayaw na.  Nakakaaliw...

Mamaya ay may kaunti kaming salo-salo sa bahay at sa Lingo naman ay may birthday party sya sa Mcdo, labag man sa loob ko.  Dangan nga lang kasi at walang malapit na Jollibee dito sa amin na pedeng mag Kiddie Party.  Tsk!

Napublish na yung artik na sinubmit ko sa Peyups.com.  Una itong napublish sa Tinig.com.  Habang lumalaki si Pia, lumalaki rin ang aking pangamba

Ito naman ang blog entry ko noong ipanganak si Pia.  May polydactyly  si Pia na palagay ko ay namana nya sa Tatay ko.  Plano ko itong ipatanggal kung wala rin namang magiging komplikasyon yung operasyon.  Bago matapos ang Agosto ngayong taon, plano kong kumonsulta sa isang espesyalista sa Makati Med.  Pero marami talaga ang kontra sa balak kong ito.  Kaya ittatanong ko uli dito sa entry kong ito yung tanong ko noong isang taon: Kung kayo ang tatanungin, dapat ban ipatanggal yung sobrang daliri nya?

Friday, July 23, 2004

Lucky Angelo

Ang swerte talaga ni Angelo Dela Cruz at ng kanyang pamilya.   Samu't saring mga donasyon ang tinanggap ng pamilya dahil sa kanyang sinapit sa Iraq.  Sabi tuloy ng ibang OFW's, magpapugot na lag kaya sila ng ulo sa Iraq para mabiyayaan din. Tsk!   Animo'y isang mandirigmang bumalik ng Pinas matapos ang matagumpay na laban.  Ganyan sya sinalubong ng media dito sa Pilipinas.  Syempre pa, nagpatalbugan ang mahigpit na magkaribal na istasyon sa TV, ang ABS-CBN at ang GMA 7.  Nag-uunahan lagi sa pag ere ng mga balita.  Ganyan kasikat ngayon si Angelo Dela Cruz.  Pati nga yung alagang aso ng pamilyang Dela Cruz ay kinunan din ng video. hehe! Ang lufffett! Hindi na ako magtataka kung may mapanood akong ganitong ulat-

"Kasalukuyan ngayong umeebak si Angelo Dela Cruz at nag-aabang ako sa kanyang paglabas mula sa kanilang banyo.  Ito ang unang pagkakataon niyang umebak sa kanilang bahay sa Pampanga matapos siyang palayain.  At yan ang aking exclusive report mula pa rin dito sa Pampanga!"

Thursday, July 15, 2004

GMA, ikaw ba yan?

Sana nga buhay pa si Angelo Dela Cruz at tuluyan na syang mapalaya at makapiling ang kanyang pamilya.

Sa wakas, nagdesisyon na rin si GMA na pauwiin na ang mga Sundalong Pinoy na pinadala sa Iraq bilang bahagi ng peace keeping force. Kung anuman ang motibo ni GMA, lalabas at lalabas din yun. Ang mahalaga ay mapalaya na si Angelo Dela Cruz. Nakinig nga ba si GMA sa public opinion? May magandang analysis dito si Sassy Lawyer. May theory din dito si Ms. Cathy, reyna ng mga pusa.

Ang daming magkakaibang reaksyon ang lumabas matapos ang pahayag ng Pilipinas na pauuwiin na nga ang mga sundalong pinoy na pinadala sa Iraq. Hindi ko masabing hati ang opiyong publiko dahil maliwanag naman na mas maraming Pinoy ang gustong mailigtas si Angelo Dela Cruz.

Target na raw tayo ng terorismo dahil ipinakita natin na tiklop-tuhod tayo sa kanila.
Nanginginig naman ako sa takot. hehe! Hindi ko matandaang ipinakita ng US ang pagtiklop-tuhod sa terorismo. Pero bakit may 9/11 WTC Attack? Bakit may isang Nick Berg na pinugutan ng ulo? Oo nga at hindi naman tiyak na kapag pinauwi na ang mga Pinoy Soldiers ay ligtas na si Angelo Dela Cruz at ang iba pang mga Pinoy sa Iraq. Pero mas lalo namang hindi tiyak kung makikisahog tayo sa gera ng US laban sa Iraq at iba pang bansa na tinik sa lalamunan ng US!

Pero sa totoo lang, nakakatakot nga. Natatandaan nyo pa ba si Michael Meiring?
DAVAO CITY-- Exactly a year ago today, May 30, a fuming Mayor Rodrigo Duterte lashed out at the “arrogant” agents of the US Federal Bureau of Investigation for having spirited out of the hospital an American national who nearly lost his life when explosives he owned went off inside his room in a budget hotel on May 16.

“An affront to Philippine sovereignty,” was how Duterte described to the Regional Peace and Order Council (RPOC) what the FBI agents did in getting Michael Terrence Meiring out.

Who was Michael Terence Meiring and why did the FBI get him out? How did he manage to leave the county despite warrants of arrest and hold departure orders? Why hasn't he been returned to this city to face charges of illegal possession of explosives and reckless imprudence despite promises last year by the police and the National Bureau of Investigation? Why doesn’t the Special Anti-Terrorist Unit want to say exactly what kind of explosives went off in Meiring’s hotel room? [melbourne.indymedia.org]

Hindi na ako magtataka kung maging active ulit ang Abu Sayyaff, kung kabi-kabila na naman ang bombing sa Mindanao. Huwag naman sana gawing target ang MRT.

Nakakahiya raw tayo, walang isang salita at nang-iiwan sa ere
Nakakahiya naman talaga tayo kasi yung ating pangulo halos himurin na ang pwet ni Uncle Sam. Nakakahiya tayo depende kung bakit nga ba pumayag si GMA na i-pull out ang ating troops sa Iraq. Pero kung ginawa nya yun dahil napagtanto nya na mali ang suportahan ang gera ni Bush at hihingi pa sya ng tawad sa mamamayan ng Iraq dahil sa pagsuporta niya dito, hindi iyon kahiya-hiya para sa akin. Sabi nga ng Filipino Youth for Peace: Stop supporting the genocidal war of greed!

Pero duda pa rin ako kay GMA eh. Lalabas at lalabas ang dahilan sa likod ng kanyang desisyon. Abangan....

Sunday, July 11, 2004

Paalam, IE!

Nag download ako kanina ng Firefox. Ito na ngayon ang default browser ko sa bahay. Subukan nyo na rin...

Friday, July 09, 2004

GMA, @#$%^&!!!!

Habang nananghalian kanina, may nakausap akong isang British tungkol sa sinapit ni Angelo dela Cruz. Sabi nya di malayong sapitin din nya yung sinapit nung mga nauna nang pinugutan ng ulo. At dahil daw dito lalo lang binibigyan ng mga ito ng katwiran si Bush sa kanyang mga ginawa. Sabi ko naman, gagawin kaya nila yung mga pagpugot na iyon kung in the first place ay hindi nanghimasok ang US sa kanila. Nasa kultura na raw ng mga muslim ang pagpugot-ulo. Di ko na lang pinahaba ng usapan. Baka isipin pa nyang member ako ng abu-sayaff eh. hehe!

Nakakalungkot talaga yung sinapit ni Angelo dela Cruz. Pero sa kabila nito, madami pa ring mga pinoy ang gustong magtrabaho sa Iraq. Mas gugustuhin pa raw nilang mamatay sa Iraq, kesa mamatay sa gutom ang kanilang pamilya dito. Hindi ko naman din sila masisi.
Pero bakit nga ba kailangan nating kumampi sa gera ni Bush sa Iraq? Bakit pinahintulutan ng gobyerno ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Iraq kapalit ng dollar remittances kahit na alam namang delikado? ? Bakit kailangan pang magpadala ng mga sundalong Pinoy doon? Oo nga at humanitarian mission yun, na tumutulong sila sa paggawa ng mga gusaliang pampaaralan at iba pang may kinalaman sa serbisyong panlipunan. Pero hindi naman sana ito kailangan kung hindi winasak ang Iraq ng teroristang gera ni Bush. Grrr....

Marami na akong narinig at nabasa tungkol sa pangyayaring ito, pero tila wala akong naringgan ng galit laban sa mga Iraqis. Halos iisa ang sentimyento nila -

GMA, @#$%^&*_)!!!!!

Naiintindihan ko sila.

Thursday, July 08, 2004

On GMA's 10-point Agenda

SO-CALLED 10-POINT AGENDA OF GMA IS AN ABOMINABLE LIST OF LIES
By Jose Maria Sison
Chief Political Consultant
National Democratic Front of the Philippines
Press Statement
July 7, 2004

Information has reached me that propagandists of Gloria Macapagal-Arroyo are
spreading the ludicrous lie that I support her so-called 10-point agenda and
in effect her rigged election to the presidency of the reactionary government of big
compradors and landlords.

The best way for meJ to respond to the incredible lie is to expose the
fact that the so-called ten-point agenda is an abominable list of lies and
to explain why each point is a lie.

1. The Macapagal-Arroyo regime cannot generate six million jobs in six
years. The reactionary government is bankrupt. The economy will continue
to sink in crisis because there is no profitable good that can be exported
in big quanity to the global market. The budgetary and trade deficits will
increase. The crushing burden of foreign debt and local public borrowing
will become heavier. Loans will continue to benefit the foreign monopoly
firms and big compradors and not the small and medium enterprises. One or
two million hectares will be given to foreign and local agricorporations at
the expense of the landless tillers and the rest of the people.

2. New buildings, classrooms, desks, chairs and books for students and
scholarships will not be provided in adequate quantity because the bankrupt
reactionary government gives priority to spending for the military, police
and intelligence services, for graft-ridden projects and for the acquisition
of expensive cars and office equipment for the high bureaucrats.

3. There will be no balancing of the budget. The deficit will continue
to grow because of the graft-ridden projects. But social services,
especially education, health, water, electricity and so on, will continue
to be starved of funds and resources.

4. There will be no progress to "decentralize" because of the severe
crisis and deep bankruptcy of the reactionary government. The
infrastructure for transport will continue to deteriorate, especially the
feeder roads. The "digital gap" will widen, with the exploiters
overequipped with digital gadgets and the toiling masses prevented from
ventilating their needs and demands..

5. Electricity and water supply will not be provided to the barangays
nationwide. In this regard, the regime is lying. It is obscuring its policy
of privatizing electricty and water supply and the reality of power and
water monopolists continuously raising prices. The regime has allowed the
imperialist suppliers of energy and equipment to control the electricity and
water systems and ride roughshod over the people. It has also allowed the
US, British and Dutch oil companies to own 90 per cent of the Malampaya gas
and oil resources and pipelines and given up territorial jurisdiction over
the gas and oil resources in Palawan waters.

6. Metro Manila will not be decongested by the unrealizable promise of
going into inflationary spending for the construction of government office
buildings and upscale housing centers in other parts of the country. The
destructiveness of the construction bust since 1997 has continued.

7. The development of Clark and Subic is not for the benefit of the
Filipino people but for the benefit of the US and other multinational firms
and for the porting of US military planes and ships. But even if the
development is for alien interests, it is limited by the current global
depression.

8. The automation of the electoral process will be one more source of
corruption and will not necessarily prevent the massive cheating perpetrated
Macapagal-Arroyo regime. The computers can be programmed to give dishonest results.

9. The Macapagal-Arroyo regime intends to end the peace negotiations
between the GRP and NDFP. It has not undetaken any effective measure to
counteract the "terrorist" listing of the CPP/NPA and the NDFP chief
political consuiltant. It has not complied with its promises to release
political prisoners and facilitate the delivery of indemnification to the
victims of human rights violations under the Marcos regime. The military,
police and paramilitary forces of the GRP are running amok in violating
human rights all over the country. Further injustices are being unleashed
against the Filipino people. The regime is poised to end the peace
negotiations upon the bidding of the US.

10. The Macapagal-Arroyo regime is desirous of uniting and reconciling with
the Marcoses, Estradas and Cojuangcos but not with the forces of the toiling
masses of workers and peasants and the middle social starata that are now
subjected to the most intolerable forms of oppression and exploitation. In
view of the lies and false promises of the Macapagal-Arroyo regime and the
reality of intensifying oppression and exploitation, a broad united front of
patriotic and progressive forces is developing. The revolutionary armed
struggle of the Filipino people is surging forward to challenge the entire
ruling system

Samantala, binigyan naman ni Dr. Emer ng score na 5/10 si GMA para dito. Hindi ko na pinag-abalahan pang alamain ang prediksyon ni Michael JacksonMadam Auring tungkol dito.

Tuwing magsisinungaling magsasalita si GMA, nauuna na agad sa akin ang duda sa kanyang sinseridad. Bakit? Hindi ako psychologist, pero may napapansin akong kakaibang bagay sa kanyang mukha, sa kanyang pagngising aso pagngiti, tuwing sasagot sa mga interviews. ni ga-hiblang sinseridad ay wala akong maaninag! Magpapasalamat na lang ako kung matupad nya yung mga pangako nya. Abangan.

Wednesday, July 07, 2004

28 years old na ako...

..pero ano na ba ang mga nangyari sa akin?

Bigla ako nalungkot. Parang ang dami kong backlogs sa buhay. Ang dami pa ring mga bagay ang gusto ko sanang gawin na hangang nagyon ay di ko pa rin nagagawa. Ilang CPA Borad Exams na ang pinalampas ko. Hmmm... pipilitin ko talagang maisingit ang pagkuha ng exam sa darating na October. Di pa rin ako nakaka enroll sa college of law. Kulang pa rin sa finishings ang bahay namin sa Batangas. Mga P200K pa kailangan ko. Haaayyy.. kelan kaya ako makakaipon non? Wish ko lang bago ako sumapit sa ika-29 na taong kaarawan ko, isa man sa mga ito ay nagawa ko na.

May isa pa akong wish. Sana kahit 50 years old na ako (kung aabot pa), kaya ko pa ring magluto.

Sunday, July 04, 2004

Nilagang baboy para kay Sophia

Simula nung nagkaroon kami ng kasama sa bahay na siya ring nagsisilbing yaya ni Sophia, bihira na akong magluto ng ulam namin. Pero kanina ako ang nagluto ng pananghalian namin. Umalis kasi ang yaya ni Pia para makipag date sa bf nya sumimba at mamasyal.

Ang aking niluto? Masarap na nilagang baboy! Ako ang nagpakain kay Sophia. Grabe, ang hirap nya pakainin. Masyadong malikot at laro ng laro. Kailangan mo pang utuin para ngumanga. Pero marami din naman siyang nakain kasi nga masarap. Para sa masarap na nilagang baboy, narito ang recipe. Biro lang. Pero kung naghahanap kayo ng masarap na recipe, di kayo magsisisi dito.

Malapit na nga pala mag-isang taon si Sophia. Hmmm.. di ko pa rin tiyak kung saan ang celebration. Mas malamang sa Batangas. Nananawagan ako sa mga Ninong at Ninang ni Sophia, lalo na kay Sexy Raki at Ogag Joy. Pinagtataguan nyo raw ba siya? Miss na miss na raw kayo ni Sophia!

Friday, July 02, 2004

Exclsuively ABS-CBN

Dumating na pala kaninang umaga dito sa Pilipinas ang Cuevas Family. Ipina deport sila ng U.S. Deportation and Removal Office matapos tanggihan ang kanilang petisyon para sa kanilang citizenship. 19 na taon silang nanirahan sa US.

Iniulat din ito kanina sa Magandang Umaga Bayan ng ABS-CBN. Exclsive report pa nga raw ito eh. Sabay pasok ang field report ng kanilang field reporter. Dumating na nga daw dito sa Pilipinas kaninang umaga ang Cuevas family pero tumanggi silang humarap at magbigay ng pahayag sa media. Stress na stress pa raw ang pamilya at di pa alam ang kanilang buhay na haharapin dito. Tanungin daw ba naman ni Julius Babao kung ano raw yung plano ng pamilya Cuevas. Ang labo mo boy! Hindi siguro nakikinig sa ulat ng field reporter nila.

Ganito rin yung nangyari sa ulat ni Erwin Tulfo nung nasa Afghanistan siya at nagko cover sa gera ni Bush-

Erwin: Nandito ako ngayon sa Kandajar, blah blah blah.....

Mon Ilagan: Erwin, nasaan ka ngayon?

Anak ng tipaklong talaga!

Ewan ko lang ha, pero mukhang walang ganitong eksena sa GMA7.

Tuesday, June 29, 2004

Salamat

wala lang. basta, salamat! 'di na ako naiinis. hehe!

Monday, June 28, 2004

AFP: Putol-tenga gang?

Kung si Mike Tyson ay nangangagat ng tenga, pamumutol naman ang gimik ng mga sundalong ito.


Friday, June 25, 2004

Naiinis ako

Bakit kaya may mga taong ang tatanda na pero parang mga batang musmos pa rin na inagawan ng kendi kung mag-iinarte? Ang daming ganyan dito sa opisina. Yung tipo ng mga taong hindi mo aakalain na titirahin ka patalikod dahil maayos naman kapag kausap mo sila. Walang bayag. Mga duwag. Oh well, mukha lang sigurong matatanda na pero hindi sumabay yung maturity nila. Meron ding mga taong kung makaasta ay tila mas mataas pa sa diyos. Buwisit talaga. Pero mas nakakainis yung mga taong naging malapit sayo tapos malalaman mo na kung anu-ano yung mga pinagsasasabi laban sayo. Na para bang hindi kayo minsang nagbilang ng patak ng ulan sa kainitan ng araw.

Pag-isipan daw ba ako na nanloloko ng kaopisina ko? Na pinabayaan kong di mabayaran ng tama yung kaopisina namin na nagresign? Pag di siya binayaran, ako yung unang sasaklolo sa kanya kasi nakataya ang pangalan ko don! At iniisip mo na ganun kadugas ang may-ari ng opisinang pinagtatrabahuhan natin? hehe! Bakit nandito ka pa?

Ang laki ng problema ng babaysot na ito na ito ah. Kahit kelan talaga, kontra. Kung alam mo lang sana ang buong istorya... kaya lang mas madali kasing magmarunong kesa sa magtanong...

Kung papatulan ko itong mga kumag na ganito, tiyak malaking gulo. Kaya eto at bigla akong nag blog. Alam mong ikaw yung tinutukoy ko. Oo ikaw nga. bwahahahaha! Kahit paano ay nabawasan ang init ng ulo ko.

Naiinis talaga ako! @#$%^&*

VP na si Noli Boy

Isa sa mga Ninong si Noli De Castro sa Kasalang Bayan ng Magandang Umaga Bayan kanina. natawa ako sa komento ni Julius Babao. Ito raw ang kauna-unahang public function na dinaluhan ni Noli de Castro bilang Vice President. Ang gandang simula nito, naisip ko. Inumpisahan sa KASAL. Malamang ang kasunod nito ay BINYAG o di kaya ay LIBING. Ano ba naman ang dapat asahan kay Noli De Castro, mas marami syang di nagawa kesa nagawa sa loob ng tatlong taon nya sa senado!

Noong isang gabi naman sa TV Patrol, tinanong sya kung saang departamento nya raw gusto magsilbi. Sagot nya more on public service daw. Nag-isip tuloy ako, anong elected position ba sa gobyerno ang di nangangahulugan ng public service? Saang ahensya ba o departamento ng gobyerno ang di nangangahulugan ng public service? Aber? Aling cabinet position ang di nangangahulugan ng public service? Makitid lang ba ako, o talgang malabo lang si Noli Boy? O baka naman hindi talaga serbisyo publiko ang karaniwang nasa isip ng mga kumakandidato? Ah Ewan! @!#$%^&*(

Dangan kasi at marami ang nadismaya kay paru-parong Loren. Palagay ko lang, kung kay Sen. Roco sya nag VP, siya ang "mananalo". Sayang talaga. Para kasi syang si Idol (dati)kong Tito. May pagka oportunista din. Hindi ko tuloy siya ibinoto, kahit na ini endorso pa siya ng ilang militanteng party list.

Thursday, June 24, 2004

Because you love me

For all those times you stood by me
For all the truth that you made me see
For all the joy you brought to my life
For all the wrong that you made right
For every dream you made come true
For all the love I found in you
I'll be forever thankful baby
You're the one who held me up
Never let me fall
You're the one who saw me through through it all

You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn't reach
You gave me faith 'coz you believed
I'm everything I am
Because you loved me

You gave me wings and made me fly
You touched my hand I could touch the sky
I lost my faith, you gave it back to me
You said no star was out of reach
You stood by me and I stood tall
I had your love I had it all
I'm grateful for each day you gave me
Maybe I don't know that much
But I know this much is true
I was blessed because I was loved by you

You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn't reach
You gave me faith 'coz you believed
I'm everything I am
Because you loved me

You were always there for me
The tender wind that carried me
A light in the dark shining your love into my life
You've been my inspiration
Through the lies you were the truth
My world is a better place because of you

You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn't reach
You gave me faith 'coz you believed
I'm everything I am
Because you loved me

Really?! Pero bakit ganito. Ang labo naman nyan...

Saturday, June 19, 2004

Mahirap nga ba maghanap ng trabaho?

Noong April 15, nagresign ang misis ko sa kanyang trabaho. May offer kasi ng Special Separation Package, eh limang taon na siya doon kaya medyo ok din yung nakuha nya pambayad sa mga utang panggastos sa mga kailangan ni Sophia.

May 15, natanggap siya bilang Documentation Supervisor sa isang Placement Agency sa Makati, na nagkataong pagmamay-ari pala ng kaibigan ng buddy-buddy kong Canadian Citizen na dati kong kasama sa trabaho. Ok naman sana kaya lang lagi syang gabi dumadating sa bahay dahil sa dami ng trabaho. Buti sana kung may OT pay. Under staff sila at hindi maayos ang sistema. Nagbigay sya ng mungkahi para maging maayos ang lahat. Humingi ng additional staff pero hindi pinagbigyan. Kaya ayun, nagresign ulit siya noong June 15. Nagresign na din yung karamihan sa department nila na kapapasok lang din sa opisinang iyon. Buti nga.

At sa June 22, mag-uumpisa na siya bilang Dept Coordiator sa isang Shipping Company na malapit lang sa inuupahan naming apartment. Sana magtagal sya don, kasi bukod sa mas mataas ang sweldo nya kesa don sa Placement Agency, madami pa itong benefits.

Thank you po, Lord.

Monday, June 14, 2004

Asar!

Halos lahat ng nakakakita kay Sophia, mga kaibigan at kamag-anak, ay iisa ang sinasabi (bukod sa cute daw at kamukha ko). Payat daw. Ewan ko ba. Buhat kasi nung nagkasakit si Sophia ay di na sya tumaba. Papalit-palit na nga ng vitamins eh, wala pa rin. Pero masigla naman siya. Wala pa rin siyang ngipin hanggang nagyon, 10 months na siya. Bakit kaya ganun?

Noong isang gabi, kandung-kandong ni misis si Sophia, habang nanonood kami ng TV. Nanood din ng TV yung yaya ni Pia. Tumayo ako sa harapan nila at pinansin ang mag-ina ko:

Ako: May time na ang taba-taba ng tingin ko sa kanya. Parang ang taba-taba nya ngayon ano?

Mommy ni Pia: Oo nga.

Ako: Grabe na yung braso nya oh! (sabay hawak sa braso ng mommy ni Pia)

Hehe! Asar si misis!

Saturday, June 12, 2004

Araw ng Kalayaan, Kaarawan ni Tin-tin

Birthday ngayon ni Tin-tin, ang sweet kong pamangkin. At dahil pitong taong gulang na sya, sinikap ng kanyang mommy na maipaghanda siya kahit paano. Sa Mcdonald's sa Lipa City(sana sa Joilibee na lang) sya nagdiwang ng kanyang birthday. At siyempre pa, pumunta kami nila Sophia at ng aking mahal na asawa (naks!).

Happy birthday, pamangkin!

Habang bumibiyahe kami kanina papuntang Batangas, medyo madami-dami rin akong nakitang naka display na watawat ng Pilipinas. Araw nga naman ng kalayaan ngayon. Pero sabi nga sa blog ni Ederic, anong kalayaan? Asteeg di ba? hehe!

At tulad noong araw ng watawat, nanditong muli ang aking mahiwagang watawat-

Thursday, June 10, 2004

Si Lolo, ang Kongreso at si Lola

Kaninang umaga, isang Lolo ang nakita naming natumba habang naglalakad sa labas ng aming opisina. Agad siyang sinaklolohan ni manong guard at ng ilang kaopisina. Bahagyang nagasgasan ang kanyang ulo.

Nahilo pala dahil sa gutom si Lolo. Hindi daw siya kumain kahapon. Kagyat na may bumili ng makakain para kay lolo. At habang kumakain ay patuloy siyang nagkwento.

Galing si lolo sa isang Evacuation Center sa Zambales. Diumano'y biktima sila ng lahar. Desperado, lumuwas siya ng Mayanila para pumunta sa Malakanyang at makahingi ng tulong. Pero bigo si lolo. Naglakad-lakad siya hanggang sa makarating sa Luneta, kung saan siya nagpalipas ng gabi. At kinaumagaha'y patuloy na naglakad ng walang direksyon. Sinubukan nyang makiusap na magtrabaho doon sa nadaanan nyang umpukan ng mga construction workers na gumagawa ng foot bridge sa may Roxas Blvd, makakuha man lang daw ng pamasahe pauwi. Bigo si Lolo. Hanggang sa nakarating siya dito sa lugar namin at inabutan nga ng pagkahilo.

Parang gusto ko rin maiyak kanina nung makita kong umiiyak si lolo habang nagpapasalamat dahil sa pagkain at sa kaunting perang ibinigay sa kanya. Totoo kaya ang sinasabi ni Lolo? Marami na rin kasi ang manloloko ngayon eh. Pero si Lolo, hindi ko inisip na nanloloko lang. Nakakaawa talaga sya.

Habang ang mga kapangyarihan sa ating lipunan ay parang mga asong nag-aagawan ng buto sa loob ng kongreso, may isang lolo na naglalakad ng walang direksyon, naghahanap ng makakakain at pamasahe pabalik sa Zambales. Samantala, narinig ko kaninang umaga sa radyo ang tungkol sa isang Lola na diumano'y nagpapagawa na ng kanyang isusuot para sa June 30. Ang lufffet!